Ang Pinakamasarap

1625 Words

​MAAGANG nagising ang buong bahay. Rinig na rinig ko ang pagkalampag ng mga gamit ni Blake sa kabilang kwarto. Nag-iimpake siya. Bawat tunog ng zipper ng bag niya ay parang karayom na tumutusok sa dibdib ko. ​Pagbaba ko sa sala, naabutan ko silang dalawa ni Julian. Naka-backpack na si Blake, suot ang paborito niyang itim na jacket, habang si Julian naman ay mukhang maagang pumunta para tuparin ang pangako niyang "babantayan" ako. ​"O paano, aalis na ako," sabi ni Blake habang isinusukbit ang bag sa balikat niya. Tumingin siya kay Julian at tinapik ito sa balikat. "Bro, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay at sa kapatid ko. I-lock niyo palagi ang pinto sa gabi." ​"Makakaasa ka, Kuya," sagot ni Julian, tumango nang may buong paggalang. "Ako na ang bahala kay Karla. Mag-iingat ka sa byahe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD