Sunday na at kanina pa ako pabalik-balik sa sala, hindi ko alam kung bakit sobrang lamig ng mga kamay ko kahit ang tindi ng sikat ng araw sa labas, kasama ko si Julian na kanina pa tinitignan ang sarili sa salamin ng hallway, naka-polo shirt siya na kulay asul at maayos na maayos ang buhok, halatang kinakabahan din siya dahil ito ang unang beses na makakaharap niya ang mga magulang ko bilang opisyal na boyfriend ko, tinitignan ko siya pero ang nasa isip ko eh yung pickup truck na parating, yung lalakeng pababa doon na siguradong may kasamang iba. "Babe, okay lang ba tong suot ko, baka sabihin ng Papa mo eh mukha akong tambay o hindi seryoso sa'yo," tanong ni Julian habang paulit-ulit na inaayos yung kwelyo niya sa harap ko, bakas sa boses niya yung takot na baka hindi siya matanggap nina

