Ang hapdi ng sikat ng araw sa balat ko ay walang panama sa nag-iinit kong dugo. Sunday morning, nandito kaming lahat sa isang private beach resort para sa paboritong bonding daw ng pamilya. Pamilya. Isang salitang pilit na binubuo nina Mama at Papa, pero sa totoo lang, basag na basag na ito sa utak ko. Nasa malayo sina Mama at Papa, nakaupo nang tahimik sa ilalim ng silong ng isang malaking cottage. Naka-relax lang sila sa kawayang bench, umiinom ng malamig na buko juice habang pinapanood kami. Kung titingnan mo sila, iisipin mong ang perpekto ng buhay namin. Wala silang kaalam-alam na ang mismong anak nila ay may demonyong tinatago sa loob. "Babe, isa pa! Smile ka naman, ang ganda ng background oh," masayang utos ni Julian habang hawak yung phone niya. Kanina pa kami nandito sa pampan

