Akala ko lang pala

1863 Words
Pag gising ko kinabukasan mabigat yung pakiramdam ng katawan ko. Hindi dahil may sakit ako kundi dahil sa matinding hiya. ​Pagmulat palang ng mga mata ko bumugso agad yung alaala ng ginawa ko kagabi. Yung mga ungol na pinigil ko sa unan yung pangalan niya na binulong ko sa dilim pati na rin yung imahe ng stepbrother ko. ​Ang dumi dumi mo Karla. ​Bumangon ako at dumiretso agad sa banyo. Naligo ako ng sobrang tagal at pilit na kinuskos yung balat ko. Umaasa ako na matatanggal ng sabon at tubig yung kasalanan na nakadikit sa pagkatao ko ngayon. Pero kahit anong kuskos ko andun parin yung pagnanasa eh. Parang nakatatak na yata sa DNA ko yung pagiging makasalanan. ​Paglabas ko ng kwarto tahimik yung buong bahay. Baka nasa bukid na si Blake. Mabuti naman kung ganun. Hindi ko pa kasi kayang harapin siya ngayon. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya nang hindi ko naiisip kung anong itsura ng mga matang yon kapag napupuno ng lust. ​Nag iwan nalang ako ng note sa mesa. “Kuya, punta lang ako sa bayan. Mag grocery para sa stock natin ngayong linggo.” ​Hindi ko na hinintay yung reply niya. Kinuha ko agad yung susi ng lumang scooter namin at mabilis na umalis. Kailangan ko ng hangin. Kailangan ko ng distansya mula sakanya. Kailangan kong makita na may ibang lalaki pa sa mundo bukod kay Blake. ​Maingay at magulo yung palengke ng bayan. Ibang iba sa tahimik at mapayapang farm namin. Dito amoy mo yung pinaghalong isda pawis ng mga tao at usok ng tricycle. ​Pero sa totoo lang mas gusto ko to. Dito lunod yung isip ko sa ingay. Dito hindi ko naririnig yung boses ni Blake sa utak ko. ​Namili ako ng mga kailangan namin bigas de lata at mga gulay. Sinadya ko talagang damihan yung bitbitin ko para mapagod ako ng husto. Gusto kong mapagod yung katawan ko para pag uwi ko mamaya tulog nalang yung aatupagin ko at hindi na kung ano ano pa. ​"Isa pa pong kilo ng liempo," sabi ko sa tindera. "Paki chop na rin po." ​Habang hinihintay ko yung sukli naramdaman ko yung pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa. ​Incoming Call: Kuya Blake ​Napapikit ako ng mariin. Sasagutin ko ba to? Kapag hindi ko sinagot mag aalala na naman yon. Baka susugod pa yon dito. ​Sinagot ko nalang din yung tawag. "Hello?" ​"Karla!" Medyo pasigaw yung boses niya halatang nag aalala pero may halong inis din. "Bakit umalis ka nang hindi man lang nagpapaalam? Nakita ko lang yung note mo. Sana ginising mo ako para naihatid kita. Delikado mag motor mag isa eh." ​Ayan na naman siya. The protective brother. ​"Okay lang ako, Kuya. Malaki na ako," sagot ko na medyo matabang. "Pauwi na rin ako maya maya." ​"Huwag kang uuwi mag isa. Ang dami mong bitbit panigurado," utos niya. Ang tigas talaga ng boses niya. "Hintayin mo ako diyan sa may bakery sa kanto. Susunduin kita gamit ang pick up. Iwan mo nalang yung motor sa kakilala natin diyan o ipahatak natin." ​"Pero " ​"Wala nang pero, Karla. Papunta na ako. Diyan ka lang." ​Toot. Toot. ​Binabaan niya ako ng phone. ​Napabuntong hininga nalang ako at binalik yung cellphone sa bulsa. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sakanya. Siya lagi yung nasusunod. Siya lagi yung bida. ​Kinuha ko na yung mga plastik ng pinamili ko. Ang bibigat grabe. Dalawang malaking eco bag sa magkabilang kamay plus isang supot pa ng bigas na limang kilo. ​Pagtalikod ko mula sa stall ng baboy muntik na akong mawalan ng balanse. May dumaan kasing nagmamadaling kargador at nabunggo nang malakas yung balikat ko. ​"Ay!" sigaw ko. ​Hinihintay ko nalang na bumagsak yung pwetan ko sa sementadong sahig na basa at maputik pero hindi nangyari yon. ​May matibay na braso na mabilis na sumalo sa likod ko. ​"Miss! Okay ka lang?" ​Pag angat ng tingin ko bumungad sakin yung isang mukhang hindi pamilyar. ​Lalaki siya. Maputi pero hindi kasing bronze ng balat ni Blake. Matangos yung ilong clean cut yung buhok at may maamong mukha. Mukha siyang mabango kahit nasa gitna kami ng palengke ngayon. ​Tinulungan niya akong tumayo ng maayos at mabilis na kinuha yung mga supot na nabitawan ko. ​"S salamat," nauutal kong sabi sakanya. Inayos ko yung duster ko. Nakakahiya. Ang dugyot ko siguro tignan kasi pawisan at haggard ako tapos heto siya parang model ng toothpaste commercial. ​"Mabigat to ah," nakangiti niyang sabi habang hawak yung mga eco bag ko. "Saan ka ba papunta? Tulungan na kita." ​"Naku, wag na. Nakakahiya," tanggi ko sabay akmang kukunin yung mga supot. ​Pero inilayo niya to ng bahagya. "Sige na. Mukhang mahihirapan ka eh. Saan ba ang sakayan mo?" ​Tinitigan ko siya. Mukha naman siyang disenteng tao. Walang halong malisya yung tingin niya sakin hindi katulad ng ibang tambay sa palengke na kung makatingin eh parang hinuhubaran ka na. ​"Sa... sa may bakery lang sa kanto. Susunduin daw ako ng... kapatid ko." ​Muntik ko nang sabihing boyfriend. Bakit ba ang dumi dumi ng utak ko? ​"Sakto. Bibili rin ako ng pandesal," tumawa siya. Ang gaan ng tawa niya at nakakahawa. "Ako nga pala si Julian." ​"Karla," sagot ko sakanya. ​Naglakad kami papunta sa bakery. Kwentuhan lang kami habang naglalakad. Tinanong niya kung taga saan ako at kung nag aaral pa ba ako. Simple questions. Safe questions lang talaga. ​For the first time in a long while nakakausap ako ng lalaki na hindi ko iniisip kung anong itsura niya kapag nakahubad. Julian was refreshing. He was... normal. ​Naisip ko bigla ito ba yung kailangan ko? Isang normal na lalaki? Para lang mawala yung abnormal na nararamdaman ko para kay Blake? ​Nakarating kami sa bakery at ibinaba niya yung mga gamit ko sa isang bench. ​"Salamat talaga, Julian," sabi ko and this time genuine na yung ngiti ko sakanya. "Kung wala ka baka kanina pa ako sumubsob sa putikan." ​"Wala yon," kamot batok niyang sagot. Namumula pa yung tenga niya. Cute. "Actually... bago lang ako dito sa lugar. Taga Maynila talaga ako na assign lang dito para sa agri business ng pamilya namin. Wala pa akong masyadong kilala eh." ​Tumingin siya sakin na parang nag aalinlangan pa. ​"P pwede ko bang makuha number mo? You know... for emergency? Or kung kailangan mo ulit ng tagabuhat?" ​Natigilan ako. Hinihingi niya yung number ko. Interested siya sakin. ​Tinitigan ko si Julian. Gwapo siya at mabait. Mukhang matino din. Kung bibigyan ko kaya siya ng chance baka... baka makalimutan ko na si Blake. Baka ito na yung gamot na matagal ko nang hinahanap. ​Bubukain ko palang sana yung bibig ko para ibigay yung number ko nang biglang may bumusinang malakas sa tapat namin. ​BEEP! BEEP! ​Isang pamilyar na itim na pick up truck yung huminto. Bumukas yung pinto sa driver seat at lumabas si Blake. ​Madilim yung mukha niya. Nakasuot siya ng shades pero ramdam na ramdam ko parin yung talim ng tingin niya. Naka tight black shirt siya na nagpabakat lalo ng mga muscles niya. ​Biglang lumiit si Julian sa paningin ko. Kung si Julian ay cute si Blake ay dangerous. ​Naglakad si Blake palapit samin. Hindi siya nakatingin sakin. Nakatingin lang siya kay Julian. ​"Karla," boses niya mababa at barako. "Tara na." ​"K Kuya," tawag ko sakanya. ​Lumipat yung tingin ni Blake kay Julian. "Sino to?" ​Mabilis na naglahad ng kamay si Julian kahit halatang na intimidate na siya sa presence ni Blake. "Good morning po, Sir. Julian po. Tinulungan ko lang po si Karla sa mga bitbit niya." ​Tinignan muna ni Blake yung kamay ni Julian bago niya to tinanggap. Mahigpit yung pagkakamay niya doon. Nakita ko ngang medyo namuti yung knuckles ni Julian sa higpit eh. ​"Salamat, pre," sabi ni Blake pero walang kahit anong ngiti sa labi niya. "Ako na bahala sa kapatid ko." ​Kapatid. Aray ko po. ​Binuhat ni Blake lahat ng pinamili ko nang sabay sabay na parang bulak lang yung bigat nito sakanya. Ibinato niya yung mga yon sa likod ng pick up. ​"Sakay na," utos niya sakin. ​Humarap ako kay Julian. "Sorry, Julian. Aalis na kami. Next time nalang." ​"Sige, Karla. Ingat," ngiti ni Julian sakin pero nakatingin parin siya kay Blake na parang tinitantsa niya to. ​Pagsakay ko sa kotse tahimik lang si Blake. Pinaandar niya agad yung makina at mabilis na pinaharurot yung sasakyan. ​Ang tahimik namin sa loob grabe. Ang lakas ng aircon pero pinagpapawisan parin ako. Galit ba siya? ​"Sino yon?" basag niya sa katahimikan maya maya. ​"Si Julian. Nakilala ko lang sa palengke. Tinulungan ako." ​Tumingin siya sakin saglit bago binalik yung tingin sa daan. "Mukhang type ka." ​Napatingin ako sakanya. "Ha?" ​"Lalaki ako, Karla. Alam ko ang tingin ng lalaki kapag gusto niya ang babae," sabi niya. Hinigpitan niya yung hawak sa manibela. "Hiningi ba number mo?" ​"Oo," pag aamin ko sakanya. "Pero hindi ko naibigay kasi dumating ka na." ​May dumaang emosyon sa mukha niya na hindi ko talaga maintindihan. Inis ba yon? Galit? O baka naman selos? ​Please Lord. Sana selos nalang. ​Pero bigla siyang ngumiti eh. Isang mapang asar na ngiti. ​"Sayang naman. Mukhang mabait eh. Gwapo rin. Bagay kayo." ​Gumuho bigla yung buong mundo ko. ​Akala ko nagseselos siya sakin. Akala ko ayaw niya sa lalaki dahil gusto niya rin ako. Yun pala ayaw niya lang kasi protective kuya mode siya. At ngayon heto siya tinutukso niya pa ako sa iba? ​"Bagay kami?" mapait kong tanong sakanya. ​"Oo naman. 22 ka na, Kar. Pwede ka na mag boyfriend. Basta dadaan muna sa akin para makilatis ko," tumawa pa siya sabay tapik sa hita ko. "Gusto mo balikan natin? Hingin natin number niya?" ​Tinabig ko agad yung kamay niya. Ang sakit. Sobrang sakit talaga. ​"Wag na," matigas kong sabi sabay tingin ko sa labas ng bintana para hindi niya makita yung pamumuo ng luha sa mga mata ko. "Ayoko sakanya." ​"Choosy ka pa," pang aasar niya parin. "Sige ka, tatanda kang dalaga niyan." ​Tatandang dalaga dahil sayo gago ka. Sigaw ng isip ko. ​Pinikit ko nalang yung mga mata ko. Ang akala ko si Julian na yung gamot. Pero mali ako eh. Si Julian pala yung magiging instrumento ko. ​Kung gusto talaga ni Blake na magka boyfriend ako pwes bibigyan ko siya. Ipapakita ko sakanya. At sa bawat oras na kasama ko si Julian iisipin ko nalang na siya yung kasama ko. ​Kukunin ko yung number ni Julian bukas na bukas din. Hindi para mahalin ko siya. ​Kundi para pagselosin yung manhid kong stepbrother. O kung hindi man siya magselos talaga... para saktan nalang yung sarili ko hanggang sa mamanhid na ako nang tuluyan at hindi ko na maramdaman tong letcheng pagmamahal na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD