PAPATAK na ang dilim nang matapos ang trabaho sa bukid. Pagod ang lahat, pero ako, gising na gising ang dugo. Sinundan ko si Blake. Alam kong didiretso siya sa likod-bahay, sa may lumang balon, para magbanlaw. Ito ang routine niya. At ito rin ang routine ko ang maging anino sa dilim, nanunuod, nag-aabang. Nagtago ako sa likod ng malaking puno ng mangga, ilang metro lang ang layo sa kanya. Rinig ko ang kaluskos ng timba habang sumasalok siya ng tubig. Rinig ko ang pagbuhos ng tubig sa semento. At nakita ko siya. Naka-boxers na lang ulit siya. Basang-basa na ito mula sa maghapong trabaho, at lalo pang nabasa nang buhusan niya ang sarili niya ng malamig na tubig galing sa balon. Ang bawat buhos ay parang slow motion sa paningin ko. Ang tubig ay dumadaloy mula sa buhok niya, pab

