Matapos mapindot ni Alexene ang end button ng kaniyang cellphone ay mababakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Alexene, anak, may problema ba?" lapit naman ni Lea rito. Nakasa maliit na terrace ng apartment na iyon si Alexene nang lapitan siya ng ina. "Tulog pa rin po ba si Blaire?" tanong muna ni Alexene sa ina. Tumango naman si Lea at inulit muli ang tanong sa anak, "May problema ba?" Napatingin naman sa malayo si Alexene at ibinaba ang cellphone sa upuang nandoon bago sinagot ang kaniyang ina, "Si Dylan, ma... Hindi niya raw ako masasamahan bukas sa pakikipagkita kay Blake," marahang sagot niya. "Bakit daw? Akala ko ba pumayag na siya noong sabihan mo siya pagkatapos mong makipag-usap kay Blake?" mabilis namang tanong-sagot ni Lea. Araw kasi ng Biyernes noon at kinabukasan na ang

