Makalipas ang isang linggo ay nakalabas na rin sa ospital sina Alexene. At sa loob din ng isang linggo na iyon ay bigo pa rin si Blake na mahanap sila. "Sigurado akong nanganak na siya... Ano kayang itsura niya..." helpless na sambit ni Blake habang nasa sala ito kaharap sina Manang Elvie at Isabella. Nagkatinginan na lang naman sina Manang Elvie at Isabella. Parehas silang nahahabag sa sitwasyon ni Blake. "Senyorito... May alam po akong paraan para mas mapadali o mas mapabilis ang paghahanap niyo kay Senyorita Alexene," bigla namang sabi ni Manang Elvie. Nagtatanong naman ang mga mata ni Blake. "Makakahingi po kayo ng tulong kina Senyor," alanganin man ay sinabi pa rin ni Manang Elvie ang suhestiyon nito. Napailing naman si Blake, "I'll never beg for their help." "Naisip ko lang na

