Kanina nakatulala sa kawalan si Blake. Nasa labas siya ng gate ng townhouse ni Isabella. Nakasuot ng pang-alis ngunit wala naman siyang tiyak na pupuntahan. "Senyorito..." Napalingon si Blake sa kaniyang likuran. Nandoon si Manang Elvie. "Sa tingin niyo ho, Manang... Saan ko na naman kaya uumpisahang hanapin ang mag-ina ko ngayong araw na ito?" mahina at tila nawawalan ng pag-asang sambit ni Blake. Nabahala naman si Manang Elvie nang marinig niya ang malalim na pag-ubo ni Blake. Sa mga nagdaang araw ay tila mas lumalala ang kalagayan ng kalusugan ni Blake. Ngayon nga ay panay ang ubo nito at mas lalo pang nangangayayat dahil sa kapabayaan nito sa sarili. Madalas ay hindi na ito nakakakain dahil sa pagod sa paghahanap sa maghapon. Maging si Isabella ay hindi rin mapilit ang lalaki na ku

