Alexene's POV
"You're beautiful..."
Kumabog ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Blake. Nakaunan ako sa kanang braso niya habang ang isang kamay niya naman ay nakatukod sa kamang kinahihigaan ko. Ganoon niya ako inihiga, sinalo ng kanang kamay niya ang batok ko kaya naman parang nakaunan ako sa braso niya. Titig na titig siya sa akin.
"But you're ugly when you cry."
Nangunot pa ang noo ko nang iyon ang sumunod niyang sabihin at pagkatapos ay tumayo na ito. Basta na lang niyang hinila iyong braso niya kaya naman med'yo nakaramdam ako ng sakit sa batok ko.
"Ano bang prob—" he cut me there.
"You choose. Magbibihis ka na at aalis na tayo..."
Bahagya siyang tumigil at tumaas naman ang kaliwang kilay ko. I'm waiting for the second option.
"Or... hindi ka na lang magbibihis because you want me to make your dream come true." Ngisi niya sa akin.
Aba't!
Hindi na ako nagsalita at dali-dali akong tumayo.
"Bababa na ako dahil hindi ko na rin naman kailangang magbihis. Wala akong damit na iba at ayokong isuot ang mga damit mo sa pag alis," ani ko at tumayo na ako para lumabas sa kuwarto.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa pintuan nang tawagin niya ako.
"I won't allow you to come with me wearing that dress," sabi niya at kahit hindi ako lumingon sa kaniya, I can feel that he's serious.
Pero tumawa lang ako nang bahagya bago ko siya tuluyang nilingon. Well, hindi ko alam pero nagbago na talaga ang mood ko sa kaniya. Dati-dati sunod lang ako nang sunod. But now, medyo naiirita ako sa kaniya. Siguro nga'y dahil talaga ito sa pagbubuntis ko.
"Hinayaan mo akong magbalat ng buko wearing this dress before, right?"
Naglakad siya palapit sa akin wearing his devil smile again.
"I'm the only one there who saw that." Inginuso niya pa ang p********e ko at saka tumaas ang paningin niya sa aking mga dibdib.
Pervert. Pervert. Pervert.
Paulit-ulit ko iyong sasabihin sa sarili ko dahil iyon ang totoo.
Nagdadabog akong naglakad papunta sa closet niya para matapos na ang usapan. Kung napasunod niya man ako, at least napahirapan ko muna siya bago ako pasunurin. Pero ang totoo, abot-abot ang kaba ko tuwing lumalapit siya sa akin kaya naman umalis na ako kaagad kanina sa harapan niya.
"I'll wait for you in the car." I heard him said those words.
Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit after I heard his footsteps away. Hindi ko alam pero parang ang hirap patigilin ng kabog ng dibdib ko...
****
NOONG una'y wala akong imik habang nasa sasakyan kami ni Blake. Hindi lang ako nakatiis dahil sa aircon.
"P'wede bang mag open air na lang tayo?" untag ko sa kaniya.
Nagulat at napatitig ako sa kaniya nang sumunod siya kaagad. Pinatay niya kaagad ang aircon then he pressed the button beside him at kusa nang bumaba ang bintana sa gilid ko.
"Don't look at me," he said without looking at me. Of course, he's driving.
Hindi na lang ako umimik at inilapit ko na ang mukha ko sa bintana upang malanghap ang hangin. Salamat naman at hindi ako makakaramdam ng hilo ngayon. Nasa ganoon akong posisyon nang marinig kong tumunog ang cellphone ni Blake. I did not look at him. Baka sabihin naman tsismosa at pakialamera ako kapag nilingon ko ang cellphone niyang nasa dashboard. But the phone is still ringing. Alam ko namang hindi siguro iyon sinasagot ni Blake dahil—
"Hello?"
Natigilan ako at napalingon na nga nang tuluyan sa kaniya. He answered it. Hawak niya iyon sa kanang kamay niya habang nakadikit sa kaniyang tainga. His left arm is the only one controlling the steering wheels. Sa mga ganitong sitwasyon ay mabilis akong kabahan. Hindi naman kasi ako lumaking may sasakyan kaya siguro hindi ako sanay na may makitang gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.
"Let's talk later. Yes, I'm with her."
Those are the words that catches my attention. Ako ba yung 'her'? Ibinalik na niyang muli ang cellphone niya sa dashboard. I want to ask him if—
"It's dad. Kinukumusta niya tayo lalo na ang pagbubuntis mo," sabi niya na tila nabasa ang nasa isip ko.
Pero may duda ako. I did not heard him said the word 'dad'. Napakibit balikat na lang ako. Siguro ganoon lang siya makipag usap sa daddy niya. Magtataka pa ba ako, 'di ba?
"Sinabi mo ba sa kaniyang wala akong regular na check up?" hindi ko alam pero bigla na lang iyong lumabas sa bibig ko.
Sabay pa kaming napatingin sa isa't-isa. Nag-iwas lang ako kaagad.
"I-I'm s-sorry..." hinging-paumanhin ko sa aking inasal.
Narinig ko siyang bumuntung-hininga.
"No... I'm the one who should be sorry," sagot niya sa mahinang boses.
Hindi na lang ako umimik.
May kalahating oras pa siguro bago kami nakarating sa isang mall. Hindi ito iyong mall na pinuntahan namin dati. Baka kaya hindi na niya ako roon dinala kasi baka akala niya tatakas na naman ako? Pero ano namang pinagkaiba kung dito? Napailing na lang ako sa mga naiisip. Nang makapasok kami sa mall ay sa isang department store kami dumeretso. Nagulat pa ako nang sa ladies section kami magtungo.
"Mamili ka na ng mga gusto mong damit," aniya na ipinamulsa pa ang dalawa niyang kamay.
Pinigilan kong mapangiti kasi sa totoo lang, parang nakaramdam ako ng kilig. Bahagya akong tumalikod sa kaniya kasi baka napapangiti na ako ng hindi ko namamalayan.
"And please, choose some maternity dress para sa nalalapit na paglaki ng tiyan mo," he added.
Hindi ko na napigilan ang sariling mapangiti sa pagkakataong iyon. Inabot siguro kami ng ilang oras sa pamimili. Nagsukat din ako ng ilan pero karamihan ay hindi ko na isinukat. Kabisado ko naman kasi kung kakasya ba sa akin o hindi. Si Blake naman ay tahimik lang na nakasunod at siyempre pa, kilig na kilig pa rin ako lalo na nang siya ang maghawak ng lahat ng pinamili ko. Alam kong ganoon naman talaga dapat, pero knowing Blake, hindi ko in-expect na magiging ganito ang trato niya sa akin ngayon. Sana nga ay hindi nnaman biglang magbago. Baka kasi pag uwi namin sa bahay, iyong masungit na Blake na naman ang makasalamuha ko.
"Are you tired?"
Napaangat ang tingin ko sa kaniya sa tanong niyang iyon. Nakaupo kasi ako habang nagsusukat ng flat sandals. May mga nabili na rin kaming ilang sapatos ko. At sa totoo lang, I'm tired na nga.
"Okay pa ba sa'yong kumain muna bago umuwi?" muli niyang tanong.
Oh my god. Ang sarap i-enjoy ng sandaling ito. Sana ganitong Blake palagi.
"Hey," untag niya dahil hindi pa rin ako sumasagot.
"A-ah? Y-yes. Yes, why not?" natawa pa ako sa aking sagot.
After ngang mabayaran ang isinukat kong flat sandals ay dumeretso kami sa isang fine dining restaurant. Pero nagpaalam muna siya sa akin na dadalhin muna sa sasakyan ang mga pinamili. Sinundan ko siya ng tingin at talaga namang walang pagsidlan ang tuwang aking nararamdaman.
'Blake Adams, sana ganito ka palagi...' bulong ko sa aking isipan.
Ilang sandali pa ay natanaw ko na si Blake na pabalik dito. Umupo na siya sa harapan ko habang ngiting-ngiti siya sa akin.
"So, anong gusto mo?" he asked.
"Ah... Eh... P'wede bang ikaw na ang bahala?" napalunok pa ako. Hindi ko rin kasi kabisado ang mga pagkain dito. Oo nga't nadadala ako dati ni Dylan sa mamahaling restaurant pero parang iba ito o naninibago lang ako.
"Okay," sagot naman niya at siya na nga ang namili ng kakainin namin.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Napakaingat ng kilos niya at napakaamo ng mukha niya ngayon. Malayong-malayo sa Blake na cold at masungit sa akin.
"Don't look at me. Lalamig ang pagkain."
Napaigtad ako sa sinabi niya. Nakatulala na pala ako sa kaniya kanina pa. Kukuha na rin sana ako ng pagkain ko nang biglang tumayo si Blake.
"Let's go," aniya at tila may bahid ng galit ang boses.
"Ha?" naguluhan na naman ako. Nagalit ba siya na tumitig ako sa kaniya at hindi kaagad kumain?
"I said, let's go," sagot niya lang at nakita kong naglabas siya ng pera sa kaniyang wallet at iniwan na doon sa mesa.
Hindi pa ako nakakatayo ay bigla na niyang hinawakan ang braso ko at pahila akong itinayo. Aangal sana ako nang mapansin kong may tinitingnan siya. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko ang isang babae sa di-kalayuan na nakatitig rin kay Blake. Hindi ko na masyadong naaninag ang mukha ng babae dahil mabilis na akong hinila ni Blake palabas doon...