Kasalukuyang nag-aalmusal si Blake nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa sala. He ignored it lalo pa at nasa dining room siya. Sa isip niya ay baka isa lamang sa mga katulong. Doon na kasi siya sa bahay ng mga magulang mas madalas mag stay simula nang magkaayos silang muli ng ama. Nang maramdaman niya may nakatayo sa likuran niya ay nilingon niya ito, to his susprise, it was Isabella. "What are you doing here?" kunot noong tanong ni Blake. Matagal niya rin itong hindi nakita mula noong malasing siya at may mangyari sa kanila. Laking pasasalamat pa nga niya nang hindi na siya tawagan o kulitin nito. Akala niya kasi ay gagamiting dahilan iyon ni Isabella para balikan niya ito. "Wow! Is that how you welcome someone who helped you before?" may taray namang sagot ni Isabella. Bigla nama

