Dalawang bote na ng alak ang nauubos ni Blake ngunit pakiramdam niya ay hindi pa rin namamanhid ang sakit na nararamdaman niya. Mag-iisang linggo na siyang ganoon. Walang oras na hindi niya naiisip si Alexene at ang anak nila. Pinuntahan niya si Alexene dalawang araw matapos ang huli nilang pagkikita ngunit wala na ang kaniyang mag-ina sa apartment na iyon. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi niya rin alam kung mahahanap niya pa ba ang mga ito. Minsan ng nawala si Alexene sa kaniya, at hindi na siya sigurado kung makikita niya pa ba ito. Nasa ganoon siyang ayos nang makarinig siyang may humintong sasakyan sa labas ng kaniyang apartment. Tamad na tamad siyang sumilip sa bintana. Nakita niyang bumaba sa sasakyan ang kaniyang ama. Muli na siyang bumalik sa kinauupuan at nagsalin muli n

