Hindi pa halos humihinto ang sasakyan ni Dylan ngunit mabilis na siyang bumaba. Nakita niyang kalalabas lang ni Alexene sa apartment ng mga ito habang karga si Blaire. Ang mama ni Alexene ang siyang pumatay ng ilaw bago isinara ang pinto. Nang makababa siya ay nakita niya ang tatlong maleta sa terrace ng mga ito. Alam na kaagad niyang aalis sina Alexene dahil obvious naman sa mga nakita niyang maleta. Mabuti na lamang at maaga rin talaga siyang umalis kaya naman inabutan niya pa ang mga ito. "Wala kang dapat sabihin. Umalis ka na lang. Magpapakalayo na rin kami ng anak ko rito," pinangunahan na ni Alexene si Dylan. Pagkatapos ay inayos niya ang pagkakarga kay Blaire at humakbang na ito. "Alex, saan kayo pupunta? Ilalayo mo si Blaire kay Blake?" pagpigil ni Dylan. Huminto namang maglakad

