Galit na galit at punong-puno ng selos ang puso ni Blake pagkarating sa kaniyang apartment. Gustong-gusto niyang suntukin sa mukha si Dylan ngunit nagpigil lamang siya alang-alang kay Alexene. Hindi niya gusto ang nalaman na natutulog o nakatira si Dylan sa tinutuluyan ni Alexene. Pakiramdam niya rin ay si Dylan na ang nagmimistulang ama ng anak niya. "Hey, you're here na pala!" Nagulat si Blake nang may marinig na boses. Siya lang mag-isa sa apartment niya at ang daddy niya ay bihirang magpunta roon. Isa pa, boses babae ang narinig niya. At kung hindi siya nagkakamali... "I-Isabella?" napakunot noo pa siya nang masilayan nga ang babae. "Yes, my dear?" may landi sa boses na sagot ni Isabella. Saka pa napansin ni Blake na may hawak na kopita ang babae at may lamang alak. Sigurado siyan

