Humugot muna nang malalim na hininga si Alexene bago idinayal ang numero ni Blake. Two weeks passed, at sa tingin niya ay hindi naman masamang makita ulit ni Blake ang anak nila. Isang numero lang ang ginagamit niya na pang kontak kay Blake pero pinapalitan niya rin iyon sa tuwing matatapos silang mag-usap. Ayaw niyang tumawag o mag-text man lang si Blake sa kaniya upang ikulit kung kailan ulit makikita si Blaire. Gusto niyang siya ang masunod. Ayaw niyang lumabas na maging sunud-sunuran lang na naman dito. "Same place, Blake. Tomorrow at ten in the morning. Be there on time," iyon ang kaagad na bungad niya at pinatay na kaagad ang tawag. Mabilis na rin niyang tinanggal ang sim card. "Don't be hard on yourself." Napalingon si Alexene sa pinanggalingan ng boses. And it's Dylan. Kaagad ma

