Alexene
Nagising akong nasa k'warto na namin ni Blake. Ilang sandali rin siguro akong tumitig sa kisame bago ko naalala ang nangyari. Dahan-dahan akong bumangon at hinanap ng mga mata ko si Blake. Wala naman siya sa kama o sa loob nitong k'warto. Tuluyan na akong bumaba sa kama at lumapit sa bintanang malapit sa pinto. Binuksan ko iyon at nakita kong madilim na sa labas. Nagpasya akong lumabas na sa k'warto at bumaba ako papuntang kusina. And there I saw him. He has just closed the refrigerator. Pagkatapos ay naglakad na siya. Parang wala siyang nakikita dahil nilampasan niya lang ako kung saan ako nakatayo. Paakyat na siya sa hagdanan nang maglakas loob akong tawagin siya.
"Blake."
He didn't even look at me. Pero huminto naman siya na waring sinasabing magsalita lang ako.
"K-kumain ka na ba?" tanong ko, "gusto mong ipaghanda kita?" hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng guilt sa binalak kong pag-iwan dapat sa kanya.
"Dessert ang gusto ko. Maibibigay mo ba?"
Pinamulahan ako sa sinabi niya. Ano na naman bang dessert ang tinutukoy niya?
"Nevermind," he then said.
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niyang iyon. Pinanood ko lang siya sa pag-akyat hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Pumasok na ako nang tuluyan sa kusina dahil biglang kumalam ang sikmura ko. Pero may makakain kaya ako? Hindi naman natuloy ang —
Natigil ako sa pag-iisip nang mahagip ng paningin ko ang lababo. May hugasin doon at naisip kong katatapos lang kumain ni Blake nang mababaan ko siya rito. Mula sa lababo ay umangat ang paningin ko sa kitchen cabinet. Sira ang dalawang pinto sa cabinet na iyon kaya naman kita ang nasa loob. Lumapit ako roon at natigilan. May mga nakalagay na kasi sa loob na mga de lata at iba pang mga gamit sa pagluluto. Did Blake bought all this things? When I looked at the sink again, may nakita akong mga buto sa hugasing pinggan na nandoon. Lumapit ako sa refrigerator at binuksan ito, nakita kong halos mapuno na rin ng karne at mga gulay ang loob niyon. Marahil ay namili si Blake kaninang mawalan ako ng malay. At talagang hindi niya man lang ako sinubukang ipacheck-up. I sighed before I decided to eat something. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na lahat ng mga dapat hugasan. Pati ang mga karne at gulay sa refrigerator ay inilabas ko upang malinisan. Matapos kong ayusin ang lahat sa kusina ay nagpasya na akong umakyat upang makapagpahinga. Bukas ay talagang maaga akong gigising. I'll cook something for Blake. Babawi ako sa pagtatangkang iwanan siya. Alam kong marami at may mga sapat na dahilan nga ako para tuluyan siyang iwan. Pero naisip kong bakit hindi ko muna subukan ulit? I didn't let myself to marry him just to give up easily. Kung talagang hindi ito magwo-work out, gagawa't gagawa ng paraan ang tadhana upang
tuluyan kaming magkahiwalay. Lalo na kung walang uusbong na pag-iibigan sa pagitan namin. Medyo natigilan din ako sa naisip. Umaasa ba akong mai-inlove kami sa isa't-isa?
Naipilig ko na lang ang aking ulo sa isiping iyon. For now, I'll just stick out being his wife.
*****
Kinabukasan ay sobrang aga ko talagang gumising. Mag-aalas singko pa lang ay nasa kusina na ako at naghahanda na ng mga iluluto. Siyempre ay una na akong nagsaing ng kanin. Masigla kong inilabas lahat ng kakailanganin ko sa putaheng ihahanda ko. Today, I'm gonna cook creamy mushroom chicken. Naibabad ko na kanina iyong thigh parts ng chicken na kakailanganin ko. Binalikan ko iyon at dahil medyo malambot naman na, tinanggalan ko na sila ng mga buto. Pagkatapos ay ibinudbod ko na sa manok ang pinaghalo-halo ko ng garlic powder, onion powder, rosemary, thymes, asin at paminta. Hindi ko na pinatagal at prinito ko na iyon. Then after, iginisa ko na ang bawang at sibuyas na talaga namang nagpagutom sa akin. Hindi ko alam pero sobrang bango ng dating niyon sa akin. Sunod kong inihulog doon ang mushroom na nasa lata kasunod ang cream na siyang mas lalong magpapasarap.
"I feel wonderful, because I see the love light in your eyes..." napakanta ako habang sunod kong inilalagay ang pritong manok doon.
Binitiwan ko muna ang sandok na hawak at saka ako umikot na parang sa isang prinsesa. Nakapikit pa ako na parang ninanamnam ang pagiging isang prinsesa. Pero nang sunod na ikot ko pa, my head bumped into something.
"f**k!"
Boses iyon ni Blake. And as I open my eyes, I saw him touching his nose.
Shocks! Tumama ang ulo ko sa ilong niya? Maya-maya ay lumapit siya sa akin matapos alisin ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kanyang ilong. Sisigawan na naman ba niya ako? Dahil kung oo, sasagot na talaga ako. Hindi ko na hahayaang masigawan niya pa ako. Pero alam kong ksalanan ko rin naman, may paikot-ikot pa akong nalalaman.
"Bakit mo ginamit iyong nestle cream?"
"H-ha?" napalunok ako. Hindi ko kasi alam kung matatawa ba ako sa tanong niya. I expected him to get mad at me because of his nose, not because of the cream.
"Bingi ka ba? You want me to repeat my question?" he gritted his teeth.
"N-nagluto lang ako ng mauulam natin," sagot ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Para iyon sa salad na ipagagawa ko dapat sa'yo," asik niya sa akin.
Hanggang kailan niya ba ako susungitan?
"I-I'm sorry, Blake. Hindi ko naman alam," mahina kong sabi.
"Lahat na lang ba hindi mo alam? And that is why you tried to run away from me. Because you know that you're worthless," he said before he turned his back to me.
I could feel my lips quivering. I bit it hardly to prevent my eyes from crying again. That's Blake. Kailangan ko iyong tanggapin. Kailangan kong maging matatag.
"I'm sorry. Nabigla lang ako," tinig ni Blake. Bumalik pala siya. Kahit papaano'y nabawasan ang sakit na naramdaman ko sa paghingi niya ng paumanhin.
Sinundan ko na lang siya ng tingin nang lumabas na siyang muli sa kusina. I can feel that he's a good man. Siguro'y galit na galit lang talaga siya sa akin dahil inilagay ko siya sa ganitong sitwasyon.
*****
We're both looking at the table. Magkaharap kami ngayon dito sa hapagkainan. Honestly, hinihintay ko na lang naman na magalit siya bago ako magsimulang kumain. But he's not moving. He's still looking at the table. Actually, sa ulam talaga siya mas nakatingin. Naiga at nasunog lang naman kasi ang niluluto ko kanina dahil sa pagdating niya. Dapat kasi ay mga isang minuto na lang at hahanguin ko na iyon kung hindi lang siya biglang dumating para lang magalit sa akin dahil sa nestle cream na 'yan.
"I'm sorry —
"You're always sorry," he said cutting off what I had to say.
Maya-maya ay kumuha siya sa nasunog naming ulam. Kumain siya nang maayos at hindi na siya nagtangka pang magsalita. Nagpasya akong kumain na rin. Pero sa kaibuturan ng puso ko ay nakaramdam ako ng saya. Tila nakikita ko na kasi ang tunay na Blake. I know that I'm right. That he's a good man.
After he finished his food, he stood up looking at me.
"Prepare yourself," sabi niya.
"Why?" I asked.
Tumaas ang isang kilay niya.
"I mean, where are we going?" tanong ko na lang ulit.
"Sa labas lang naman. Magbabalat ka ng buko na ihahalo mo sa salad na ipapagawa ko."
Hindi na ako nakapagsalita pa muli nang tuluyan na siyang umalis. Napakibit-balikat na lang ako at inayos na ang mga dapat ayusin dito sa kusina. Pagkatapos kong makapaghugas ng mga pinagkainan ay umakyat na ako para magpalit sana. Pero nang maisip kong magbabalat lang naman pala ako ng buko ay nagpasya akong bumaba na lang ulit at hintayin si Blake sa labas.
"Where are you going?"
Napaigtad ako sa biglang pagsulpot ni Blake sa likuran ko.
"My god, Blake. Huwag mo naman akong ginugulat," ani ko at napahawak pa ako sa dibdib ko.
Pababa na kasi dapat ako sa hagdanan. Dahil sa gulat ko, muntik akong mahulog.
"Hindi ka mahuhulog," he said while looking at the stairs, "I won't let you fall because you're carrying my child," dagdag niya na nagpangiti sa akin. Kahit pa ang batang masa sinapupunan ko ang dahilan niya, hindi ko pa rin maialis sa sarili ko na nag-aalala rin naman siya sa akin at may halaga kami ng anak ko sa kanya.
"O, magbihis ka," saka ko lang napansin na may hawak pala siyang... puting bestida na naman?
He handed it to me. Napangiti akong muli dahil iniabot niya iyon sa akin. Hindi katulad noong sa pera, ibinaba niya lang sa upuan. Napansin ko pa na hindi ito iyong bestidang una kong naisuot, sigurado ako. Mas manipis ang bestidang ito. Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya habang pababa siya sa hagdanan.
"Don't wear anything inside. Just that dress," pagkuwa'y pahabol niya.
Napa "ha?!" ako nang malakas dahil sa sinabi niya.
Like, seriously? Napaka nipis na nga ng bestidang ito tapos hindi niya pa ako pagsusuotin ng kahit anong panloob?
"That's what I want you to wear," maawtoridad niyang sabi. "at kapag hindi mo ginawa, parurusahan kita. Iyong parusang tatlong araw kang hindi makakalakad," dagdag pa niya.
Matagal na siyang nakababa at nakalabas dito sa bahay pero nakatulala pa rin ako. Hindi ko alam, pero parang gusto kong 'wag na lang siyang sundin. Ang problema, sobra naman ang tatlong araw akong hindi makakalakad! Ano iyon, twenty-four hours na walang tigil? Ihi lang pahinga, ganoon?
****
Titig na titig si Blake sa akin habang naglalakad ako palapit sa kanya. Nakasandal siya sa puno ng niyog. May sampung metro rin ang layo ng punong iyon sa bahay. Doon din dati nag-antay ang kotse niya sa akin noong mag gro-grocery dapat ako. Nang malapit na ako sa kanya ay inilibot ko ang aking paningin. May nakita kasi akong mga buko na sa paanan niya. Hinahanap ng mata ko kung nandito rin ba ang umakyat ng puno. Sinunod ko kasi ang sinabi ni Blake. Suot ko itong puting bestida na manipis at wala akong suot sa loob na bra't panty. Bakat na bakat ang bestida sa akin kaya naman bakat din ang malulusog kong dibdib. Pero ang pinaka matindi yata ay ang malinaw na naaaninag ang itim na itim na buhok na tumatabing sa p********e ko. Aninag na aninag ang katawan ko pero hindi ko man lang pinagkaabalahang takpan ito ng aking mga kamay. What for? This is what he likes, then I'll play with it.
"What are you waiting for?" aniya na iginiya ang mga bukong nasa paanan niya.
Hindi na ako kumontra pa at naupo na lang ako sa bangkitong naroon. Pinulot ko ang itak na nasa tabi lang din ng mga buko. Inumpisahan kong balatan ang mga bukong naroon. Parang gusto ko na nga ri'ng tagain ang paa niyang nasa aking harapan. Sa akin niya ba naman talaga ipababalat ang lahat ng bukong ito? Akala niya siguro mahihirapan ako, laki yata ako sa hirap at marunong talaga akong magbalat ng buko!
"Hindi ko makita, itali mo 'yang buhok mo," narinig kong sabi niya.
Napaangat naman ako ng tingin. Ano ang hindi niya makita? Itong mga buko?
"I can't see your boobs," he said.
Akala ko pa naman itong mga bukong binabalatan ko ang hindi niya makita 'yun pala ay itong 'buko' ko pala. Hindi ko alam kung bastos ba siya o manyak! Hirap niya talagang ispelingen. Pero sinunod ko na lang ang sinabi niya. Walang k'wenta kung sasagot pa ako. Tumingala pa ako sa kanya mula sa pagkakaupo habang itinatali ang buhok ko. Pagnasaan niya na hangga't gusto niya! Maluwang kasi ang neckline ng bestidang ito kaya naman halos lumuwa na talaga itong napakalaking boobs na 'to!
"That's it..." mahina niyang sabi.
Bago ko tuluyang ipagpatuloy ang pagbabalat ko sa mga buko ay 'di sinasadyang napahinto ang tingin ko sa nakaumbok sa gitna ng pantalon niya. Kanina naman hindi ganoon iyon ah?
"You want it?"
Nasamid talaga ako sa narinig kong sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagbabalat. Sampung buko lahat ng nabalatan ko. Pinahid ko ang pawis sa aking noo bago tumayo. Sigurado akong busog na busog na naman ang mga mata niya dahil nakatitig lang naman siya sa mga dibdib ko hanggang matapos ako sa ginagawa.
"Puwede na ba akong pumasok?" tanong ko sa kanya. Parang medyo nakaramdam pa nga ako ng hilo sa pagtayo kong iyon.
Hindi siya umimik pero nagpatiuna na siyang maglakad. Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod na rin. Gusto kong mahiga muna.
Pagkapasok sa bahay ay mabilis na akong umakyat sa hagdanan. Pero nasa kalagitnaan pa lang ako nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Alexene."
Hindi ko alam pero may sumilid na tuwa sa puso ko. Napaka gaan sa pakiramdam na tinawag niya rin ako sa pangalan ko.
"Yes?" lingon ko sa kanya habang nakangiti.
"I-shave mo naman 'yan," aniya na nagpalaho sa ngiti ko.
I know what he's pertaining to.
Sa kauna-unahang pagkakataon, tinalikuran ko siya at nagdadabog na ipinagpatuloy ang pag-akyat.
Mukhang mapaglilihian ko siya dahil sa ginagawa niya.