Alexene
Nakatayo ako ngayon sa harapan ni Blake dito sa k'warto habang nakakapit sa puting bestidang suot ko. Pero halos basa na ang bestidang ito. Nagpasya kasi akong maligo na sa banyo sa baba kanina. Pero dahil wala naman akong gamit na dala nang magpunta kami rito, itong bestidang suot ko ang aking ginamit na pantuyo sa katawan ko. I asked him if I can borrow some of his clothes. But he's just looking at me. Napakalikot din ng mga mata niya na humahagod sa kabuuan ko. Of course, manipis ang pagkatela ng bestidang ito at basa pa kaya naman hapit na hapit sa katawan ko. Hindi ko nga alam kung sinadya niya bang i-provide ito noong magpunta kami rito. Nakakapagtaka pa, isa lang talaga ang inilaan niyang gamit ko?
"Bakit kailangan mo pang magbihis?" pagkuway tanong niya.
Here we go again. His questions are really trying my patience.
"It suits you better. Mukha kang basang sisiw na nangailangan ng masisilungan kaya naman ipinahiya mo ako for you to have shelter!"
Bahagya akong napaigtad sa biglang paglakas ng boses niya. Pabago-bago talaga ang mood niya. Tipong ang ayos niya magsalita tapos mamaya hindi na. Tipong nang-aasar lang siya tapos mamaya seryoso na. Pero honestly, what he said really hurt me. Parang sinasabi niyang ginamit o niloko ko lang siya.
Panggagamit ba ang tawag niya rito? Malaking kasalanan ba na magkakaanak siya sa akin?
Napabalik ako sa huwisyo nang biglang may tumama sa mukha ko. Bumagsak sa sahig ang pares ng damit na inihagis niya pala sa akin. Nakapunta na pala siya sa cabinet kung saan niya kinuha ang mga iyon. Blue board shorts and black v-neck shirt. I picked them up. Iniiwas kong mapadikit ang mga iyon sa suot ko dahil baka mabasa rin sila. Hindi pa rin ako makaalis-alis dahil may gusto pa akong sabihin.
"May kailangan ka pa?" he asked.
I took a deep breath before I opened my mouth, "H-hihingi sana ako ng pera para... makapag grocery ng mga kailangan natin dito sa bahay."
He walked towards me. Napasinghap ako nang makalapit siya dahil gahibla lang ang naging layo ng mukha namin sa isa't-isa at talaga namang hindi natitinag ang mga titig niya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang agawin ang shorts na hawak ko. Nananatili siyang nakatitig sa akin habang may kinukuha sa bulsa ng shorts na iyon. Napaawang ang labi ko nang makita ang isang leather wallet na inilabas nito sa bulsa ng shorts. Seriously? Nasa shorts na binigay niya sa akin iyong wallet niya?
"How much do you need?" he keeps on staring me kaya naman ako na ang nag-iwas ng tingin.
"K-kahit magkano ang ibigay mo. Ibu-budget ko na lang," sagot ko na kinakabahan. Hindi ko rin maintindihan pero parang tuwing lalapit siya sa akin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Takot ba ito? O baka naman may iba pa akong nararamdaman?
Kumuha kaagad si Blake ng ilang libo sa wallet nito at saka ibinaba sa upuang naroon. Nasa harapan niya naman ako pero hindi pa niya iniabot sa akin. Ganoon talaga siya ka-cold o ka-galit sa akin?
"Kahit pa ibenta mo na rin iyang wallet ko, 'wag mo lang akong titipirin sa pagkain," aniya at lumabas na siya sa k'warto.
Mangiyak-ngiyak akong nagpalit ng damit. Wala akong masamang intensiyon sa sinabi kong ibu-budget na lang ang perang ibibigay niya. Akala niya siguro titipirin ko siya eh in the first place, pera niya naman ang gagamitin ko. Ayaw ko ng ganitong sitwasyon. May magagawa pa ako. P'wede pa akong umalis sa poder ni Blake. Hindi ko kailangang magpaka tanga o magpaka manhid dahil obvious naman na hindi niya talaga ako matatanggap bilang asawa niya. Dapat ay hindi ko hinayaang malagay ako sa ganitong sitwasyon. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. Isang desisyon ang gagawin ko. Sa paglabas ko sa bahay na ito ay hindi na ako babalik. Besides, Blake keeps on telling me na ipinahiya ko lang naman ang pamilya nila para pakasalan niya ako. Siguradong ikatutuwa niya kapag nagkusa akong umalis dito. Dali-dali na akong bumaba upang makaalis na kaagad. Pero nang makalabas na ako sa bahay ay nagulat ako sa nakita. May puting kotse sa labas na may sampung metro ang layo mula rito sa kinatatayuan ko. May tao rin sa driver's seat at hindi ko masino lalo pa at naka shades iyon idagdag pang kalahati lang ng bintana ng kotse ang nakababa. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba, pero parang nakatingin sa akin ang sakay niyon at may sinasabi. Naglakad ako palapit doon pero sa harapan ng kotse ako pumunta.
"Sasakay ka ba o iikot-ikot ka lang diyan na akala mo'y magandang modelo?!" sigaw ng taong nandoon na inilabas pa ang ulo sa bintana ng kotse.
Si Blake. Malay ko bang siya iyon eh hindi ko naman alam na may kotse siya rito. At isa pa, puwede niya naman kasing lakasan ang boses niya kaninang hindi pa ako nakakalapit. Kung maka bulyaw nga siya sa akin, 'di ba? Tapos may pa shades-shades pa siyang nalalaman. Kumilos na ako para sumakay dahil baka mamaya sagasaan niya pa ako.
"Bakit ba ang tagal mong sumakay? May pa ikot-ikot ka pang nalalaman," aniya.
Pinili kong 'wag na lang sumagot. Nang mapaandar niya na ang sasakyan ay napabuga ako ng hangin. What's the matter with him? Sinabi niya bang sasamahan niya pala akong mag grocery?
Maya-maya ay biglang umangat ang bintana sa side ko. Then he opened the aircon. Napahaplos ako sa braso ko. Hindi lang naman kasi ako sanay sa aircon. Isa pa, hindi naman mainit. At ano ba itong dagdag na nararamdaman ko? Para akong nakakaramdam ng hilo sa amoy ng aircon. Parang gusto kong sumuka. Pasimple ko siyang nilingon nang makita kong nilakasan niya pa ang aircon. Parang gusto kong matawa sa paglingon kong iyon. Pinigil ko lang kasi hindi nga pala kami close. Bakit ba kasi naka shades siya? May araw ba rito sa loob ng kotse? Napatingala pa ako ng hindi sinasadya dahil sa iniisip.
"What? Anong tinitingnan mo riyan sa taas?" narinig kong tanong niya.
"H-ha? W-wala," alanganin kong sagot.
Nakita niya ba ang pagtingala ko? Nagmamaneho siya tapos hindi pala siya naka focus sa daan.
Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse sa isang mall. Malamang ay sa supermarket kami mamimili. Bigla akong natigilan. Kasama ko pala siya, paano na ang plano kong pag-alis?
"Hindi ka pa ba bababa?" narinig ko na naman ang iritable niyang boses kaya naman bumaba na ako kaagad.
"Kailangan pa talagang tanungin muna bago kumilos," narinig ko pa ang sinabi niyang iyon bago ko tuluyang maisara ang pinto ng kotse.
Ako lang pala ang bababa. Mabuti naman kung ganoon. Magagawa ko pa ring umalis. Naglakad na ako papasok sa mall kahit na nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo. Nilingon ko ang kinapaparadahan ng kotse ni Blake. Nakaharap iyon dito sa entrance ng mall na ito. Nakita kong kampante lang siyang nakasandal mula sa pagkakaupo. Pero dahil sa shades na suot niya, hindi ko malaman kung nakatingin ba siya sa akin o kung nakapikit ba siya. Naglakad na akong muli at nagkunwaring hinahanap ang supermarket. Nang lumiko ako pakaliwa ay nakahinga ako nang maluwag. This is it. Kailangan ko nang makalabas sa mall na ito at tuluyan nang makaalis. Naghanap ako ng exit at hindi naman ako nabigo. Dali-dali akong lumabas doon pero pagdating sa labas ay napahawak ako sa pader sa gilid. Nahihilo talaga ako at gusto ko ng sumuka. Pero pinilit ko ang sarili kong maglakad. Tumatakbo ang oras at kapag nainip na si Blake ay siguradong susundan na ako niyon sa supermarket. Napailing ako nang makitang may hagdan pa akong kailangang babaan. Pinilit kong makababa nang ayos. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa hand rail upang hindi mawalan ng balanse. Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang mapatutop ako sa bibig ko. Parang lalabas na ang suka ko dahil may naaamoy akong tila hindi gusto ng pang amoy ko. Napatingin ako sa paligid. May nakita akong mga nakahilerang nagtitinda ng calamares. If I'm not mistaken, ang amoy ng inilulutong calamares ang naka trigger sa nararamdaman ko. Ganito ba ka-sensitive ang nagbubuntis? Hanggang sa bumigay na ang tuhod ko dahil sa hilong nararamdaman ko. Pero hindi ang matigas na hagdanan ang sumalo sa akin kundi matitipunong bisig. Nanlalabo man ang paningin ko, malinaw kong nakita ang mukha ng nagmamay-ari ng mga bisig na iyon. Si Blake.
"H-how did you know?" sa kabila ng nararamdaman ay nagawa ko pa siyang tanungin.
"Nasa gilid mo lang sa right side ang supermarket pagpasok mo ng mall kanina. Hindi mo na kailangang lumayo. But you kept on walking and headed left. What are you planning, huh?" narinig ko pa ang sagot niyang iyon bago tuluyang pumikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa paggising ko... pero may isa akong hindi matiyak. Tila may nasilip akong pag-aalala sa mga mata ni Blake...