Chapter 63 - Brothers

1917 Words

Eksaktong paglabas ni Dylan mula kumpanya ng mga Adams ay kaagad ng binuhay ni Blake ang makina ng sasakyan niya. Sadya niyang inaabangan si Blake at kanina pa siyang umaga roon. Araw iyon ng Biyernes at naisip niyang sundan si Dylan dahil kay Alexene. Nasabi ni Alexene sa kaniya na weekend nagpupunta si Dylan sa kanila at nagbabakasakali siyang dahil Biyernes ng araw na iyon, ay maaari ng magpunta si Dylan kina Alexene. Kahit na binantaan na siya ni Alexene dati tungkol sa wag pagsunod sa kanila ay nakapagpasya na siya dahil sa mga sunod-sunod na nalaman. Malayo ang distansiya ng sasakyan ni Blake kay Dylan upang hindi siya mahalata. Hindi kasi siya sigurado kung alam na ba ni Dylan ang sasakyan niya. Napangiti siya nang hindi lumiko ang sasakyan ni Dylan sa daan kung nasaan ang apartme

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD