Mula nang malaman ni Alexene ang tungkol sa pagiging magkapatid nina Blake at Dylan ay hindi na nito hinaharap pa si Dylan sa tuwing magpupunta ang lalaki sa kaniya. Katulad na lamang ulit ng araw na iyon, may dalang bulaklak si Dylan at pilit na kinakatok ang pinto nina Alexene. "Alex, please. Talk to me... Hayaan mo naman akong magpaliwanag," patuloy sa pagkatok na wika ni Dylan. Sa loob naman ay tahimik na lumuluha si Alexene habang nasa tabi niya ang ina. "Sabi ko naman sa 'yo, anak, umalis na lang tayo rito," nahahabag na wika ni Lea sa anak. Bilang ina ay masakit sa kaniya na makitang nagkakaganoon ang anak lalo pa at nakita niya na iyon noong kay Blake naman ito nasaktan. Tigas na umiling si Alexene, "Hindi, 'ma... I will never hide or run again dahil lang sa lalaki. Haharapin k

