Chapter 69 - Camera

1616 Words

Nakailang buntunghininga na si Alexene ngunit nananatili pa rin siyang nakatayo hindi kalayuan sa apartment ni Dylan. Tila gustong umurong ng mga paa niya. Hindi dahil sa ayaw niyang makita si Dylan, kundi dahil natatakot na naman siya. Natatakot siya sa kung ano na namang sinasabi ni Dylan na tungkol kay Blake. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi niya napigilan ang tila pagkabuhay muli ng pagmamahal kay Blake. Nang makasama niya si Blake noong nakaraang araw at halikan siya nito sa labi, parang unti-unti nitong tinunaw ang galit sa kaniyang puso. And she must admit it, she still loves him. Hindi naman siguro dahil sa marupok siya kundi iyon naman talaga ang tunay niyang nararamdaman at nadadala rin siya sa mga panunuyo ng lalaki. Marahil nga ay mahal niya pa ang ama ng kaniyang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD