Sunod-sunod na suntok ang ginawa ni Dylan sa dingding ng kuwarto nito. Halos mamaga na rin ang kamao niya dahil kanina niya pa iyon ginagawa. Umaalon din ang kaniyang dibdib na animo'y punong-puno ng galit. May isang bagay kasi ang gumugulo sa isipan niya na may kinalaman sa dalawa pang bagay na mahalaga sa kaniya. Nanghihinang napadausdos si Dylan at saka naihilamos sa mukha ang dalawa niyang palad. Ilang sandali pa ang lumipas at tumayo na ito saka hinanap ang kaniyang cellphone. Nang mahawakan na niya ang kaniyang cellphone ay matagal pa siyang napatitig sa screen. Tila urong-sulong siya sa nais gawin. Hanggang sa humugot na lamang siya nang malalim na hininga bago nagpunta sa kaniyang dial pad. Pipindutin na lang sana niya ang nais tawagan nang bigla naman itong mag ring. Dahil sa gul

