Mahihinang katok sa pinto ang nagpalingon kay Blake. Kasalukuyan siyang nagpapalit noon. Nagtaka pa siya kung sino ang kumakatok dahil hindi naman iyon ginagawa ng kaniyang mga magulang kapag pinupuntahan siya roon. "Pasok," nasabi na lamang niya. Napaisip din siya kung si Isabella ba iyon. Simula kasi ng magkaroon sila ng hindi magandang pag-uusap kahapon ay makailang ulit niya itong tinawagan ngunit hindi siya sinasagot. Pinuntahan niya rin ito sa Laguna ngunit hindi siya nito hinarap. Nang tuluyang bumukas ang pinto ay bahagya pa siyang natigilan. Hindi niya naman kasi inaasahan ang pagdating ng taong iyon. Alam niya lang na darating ito sa kasal nila ni Isabella. "Dylan..." sambit niya sa pangalan ng kapatid. "Hey," ganting bati naman ni Dylan. Niyaya ni Blake si Dylan sa terrace

