Kanina pa pasulyap-sulyap si Dylan sa kaniyang cellphone. Mula nang matanggap niya ang mensahe ni Blake kanina tungkol sa mga bulaklak ay hindi na siya mapakali. Alam niya na kaagad na pupunta si Blake kina Alexene. Sigurado siyang ang matinding galit ni Alexene ang sasalubong sa kaniyang kapatid. At iyon ay dahil sa kaniya. Mabilis na tumayo si Dylan at hinatak ang coat na nakalagay sa kaniyang swivel chair. Pupunta siya kina Alexene. Hindi siya mapakali at gusto niyang malaman kung ano ng nangyayari sa dalawa. Halos paliparin na ni Dylan ang sasakyan upang makarating kaagad kina Alexene. Laking pasasalamat niya rin na walang masyadong traffic ng mga oras na iyon kaya mabilis siyang nakarating sa lugar nina Alexene. Ngunit bago pa siya makapasok sa kanto papunta kina Alexene, nakita niy

