Alexene's Pov
Nakakainis!
Akalain mong tatalaban ako ng mga pang-iinis ng Blake na iyon.
"And one more thing, dito sa banyo ka na sa taas magtanggal ng wedding gown mo. Madumi kasi ang banyo riyan sa baba. Isa pa, iyong katiwala sa bahay na ito ay hindi nagtatagal dito lalo na sa mga banyo. May kakatwa raw kasi siyang nararamdaman," dinig kong sabi ni Blake na agad namang nagpakilabot sa akin.
At talagang may pahabol pa siya!
Napalingon ako sa kanya na nasa dulo na ng hagdan sa taas. Pero lumingon pa siyang muli sa akin. His evil smile is there again.
"Much better kung dito ka na sa kuwarto natin maghuhubad," huling turan niya at lumiko na pa kanan.
Like what? Tinatakot niya ba ako?
Talagang napasigaw ako nang biglang may kumalabog sa kusina. Dahil nakatingala ako sa taas kung nasaan si Blake kanina, hindi ako naglakas loob na lumingon sa kusina. Over my dead body! Gago ka, Blake! Isinusumpa na kita mula sa gab —
Napasigaw akong muli nang may biglang kumapit sa kaliwang kamay kong nakahawak sa hand rail ng hagdan. Naiwasiwas ko iyon nang hindi tinitingnan. Takot ko lang makakita face to face ng multo! Pero nakaramdam ako ng hapdi sa kamay kong iyon. Pagkatapos ay may narinig ako. Saka ko napagtantong pusa pala ang tumalon at kumapit sa kamay ko. At dahil nga iwinasiwas ko ito, nagkaroon tuloy ako ng kalmot sa kamay! Umangil pa ang pusa sa akin bago ito mabilis na lumabas sa bahay.
Pero muli na naman akong napasigaw nang may bumagsak sa ulo ko. Natabunan pa niyon ang mukha ko kaya naman takot na takot nanaman ako.
"Puwede bang tigilan mo 'yang kasisigaw mo? Mamaya pati mga kapitbahay namin rito isiping ginagahasa kita!"
Boses iyon ni Blake. Napagtanto kong tela ang bumagsak at tumaklob sa ulo ko. At nang tanggalin ko iyon, isa pa lang bestidang puti. Naalala kong wala akong dalang kahit anong gamit dahil nga galing kami sa simbahan kung saan kami ikinasal.
"Diyan ka na magbihis kung ayaw mo sa mga banyo rito o sa kuwarto. Nainip na kami ng 'manoy' ko kahihintay sa'yo kaya matutulog na kami! Akala mo naman ginto 'yang 'ano' mo at kanina mo pa kami pinag aantay."
Pinamulahan ako sa sinabi niya. Ganito ba talaga ang tabas ng dila ng lalaking ito?
"Puwes kung ginto nga 'yan, bukas na bukas din ibebenta ko na lang 'yan!"
Napahawak ako sa dibdib ko at parang gusto kong matawa sa huling sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nagpasya na akong umakyat pero hindi ko na nagawang isara ang pinto sa baba. Ang dilim na sa labas at dahil sa nangyari at pinagsasabi ni Blake kanina, ultimo paglapit sa pinto ay hindi ko na nagawa. Nang makaakyat ay kumanan ako since sa kanan ko nakitang pumunta si Blake. Nakita ko naman agad ang pinto na sa tingin ko ay ang k'warto na. I walked as fast as I can. And when I was about to open the door, napalingon ako ng hindi sinasadya sa kanan ko. I saw another door. Tingin ko ay iyon ang isa pang banyo na sinasabi ni Blake kanina. Iniiwas ko na lang ang paningin ko roon then I hurriedly opened the door in my front. Pero nang nasa loob na ako ng k'warto, bigla naman akong nag alangan. Blake is looking at me while holding his white shirt that I think he just took off.
Dito ba talaga ako magbibihis?
I saw Blake grinned at me before he threw off his shirt on the bed.
"I told you. Wala na kaming gana ni 'manoy'. Pero kung gusto mo talagang magbihis dito sa harapan ko...
Unti-unti akong napalunok. Sinadya niya kasing bitinin ang sinasabi niya habang hinahagod ako ng tingin.
...pasensiya na pero hindi mo na ulit ito mapapatayo," he then added bago siya padapang nahiga sa kama.
Hanggang kailan ba ako mapapanganga sa lalaking ito?
***
KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Nilingon ko si Blake na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Napangiti ako dahil napakahina ng hilik nito. Turn on kasi sa akin ang mga lalaking hindi malakas humilik. Nasa kaliwa ko siya banda at dahil malaki ang kamang pinagsasaluhan namin, halos hindi naman nagdikit ang mga balat namin kagabi. Actually, hindi rin talaga ako halos nakatulog nang ayos.
Tumayo na ako at itinali pataas ang buhok ko. Good thing laging may nakasuot sa kamay kong pony tail. Dali-dali na akong lumabas sa k'warto para magpunta sa kusina at makapaghanda ng pagkain naming mag-asawa. Well, welcome to married life, Alexene. Hindi pa ako nangangalahati sa hagdanan nang matigilan ako.
May tao ba sa kusina?
May naaamoy kasi akong inilulutong tuyo. Mula rito sa hagdanan ay nakita kong bukas pa rin ang pinto. Of course, hindi ko nga ito isinara kagabi 'di ba? Nagpasya akong bumaba na nang tuluyan upang malaman kung sino ang nasa kusina.
"Ay, gising na po pala kayo, Señorita Alexene," salubong sa akin ng matabang babae at mababa lang. Maigsi ang buhok nito na parang kay Dora dahil may bangs din ito. Itim na itim at tuwid na tuwid na buhok.
"S-sino po kayo?" alanganin kong tanong. Hindi ko naman kasi talaga siya kilala.
"Tawagin mo na lang akong Ate Elvie, señorita," sagot niya sa akin habang iniaahon ang tuyo sa kawali.
Nginitian ko siya at magsasalita na sana ako ulit nang magulat ako sa boses sa likuran ko.
"Don't call her señorita, Ate Elvie!"
Paglingon ko ay nakita ko ang madilim na anyo ni Blake. Hindi ko man lang namalayang nakababa na rin pala siya. Bakit parang ang bilis niya namang nakasunod eh parang halos kabababa ko pa lang? Don't tell me nagkukunwari lang siya kaninang natutulog pa?
"Señorito?" Parang nagulat naman ang nagpakilalang si Ate Elvie sa inasal ni Blake.
Nilagpasan ako ni Blake at dumeretso kay Ate Elvie.
"Paano ho kayo nakapasok dito?" rinig kong tanong ni Blake sa mahinang boses.
"Aba'y hindi nakasara ang pinto niyo?" sagot ni Ate Elvie na itinuro pa ang pinto'ng tinutukoy nito.
Nilingon ako ni Blake na madilim pa rin ang anyo.
"How irresponsible can you be? Hindi mo isinara ang pinto kagabi?" nanlalaki ang matang sabi niya sa akin.
"I —"
"Paano kung may magnanakaw na nakapasok?" hindi niya ako pinatapos magsalita at tila tumataas na ang boses niya sa akin.
I'm not used to this. Sa pagkakatanda ko, hindi ako napagtataasan ng boses ni mama.
"Ate Elvie, iwan niyo na kami rito," nilingon ni Blake si Ate Elvie nang sabihin iyon.
"Ha?" kita kong tila naguguluhan pa rin ang babae. Siguro ay dahil alam niyang asawa ako ni Blake pero ganitong senaryo ang nakikita niya.
Naglakad palapit sa akin si Blake na hindi pa rin nagbabago ang anyo. Oo nga't alam kong may galit siya sa akin, pero ang awra niya ngayon ay ibang-iba sa kagabi. Kagabi ay alam kong may halong pang-aasar o pang-iinis lang ang mga ikinilos niya. Pero ngayon... ibang Blake ang nakikita ko. I can see fire in his eyes.
"Tandaan mo, ikaw ang may gustong makasal sa akin. Panindigan mo ang pagiging asawa ko. Ikaw ang magluluto, maglilinis at magsisilbi sa akin. Hindi natin kailangan si Ate Elvie."
Iyon ang sinabi niya bago ako lampasan at umakyat sa hagdanan.
"Ate Elvie, umalis na ho kayo," pahabol pang sabi ni Blake.
Nahihiya akong napatingin kay Ate Elvie at siya naman ay nag-iwas ng tingin. Naglakad siya palabas sa bahay na iyon.
Nang mawala na sila pareho sa paningin ko ay napaluha ako. Mababaw lang ang luha sa mga ganitong pangyayari. Ayaw ba ni Blake na itrato ako nang ayos lalo na kapag may ibang tao? Talaga bang ganoon katindi ang galit niya sa akin? O ako lang itong hindi siya naiintindihan?
Parang gusto ko tuloy sisihin si Dylan. Hindi dahil sa niloko niya ako, dahil kahit niloko niya ako ay hindi ko pa rin dapat hinayaan ang sarili kong mapahamak nang gabing iyon. Gusto kong sisihin si Dylan dahil sa tingin ko ay siya ang nagpakalat ng rape issue para kay Blake. At alam kong ginawa iyon ni Dylan para sa akin. Para hindi ko itaguyod mag-isa ang magiging anak ko. Pero ang inakala niya yatang ikabubuti ko ay isang malaking pagkakamali...