Mag-iisang oras na rin si Blake sa loob ng sasakyan nito. Nakatanaw lang siya sa isang apartment di-kalayuan sa kinapaparadahan ng sasakyan niya. One hour earlier, nilapitan niya ang apartment na iyon ngunit walang tao kaya naman ngayon ay nagti-tiyaga siyang hintaying dumating ang sino mang nakatira roon. At iyon nga ay si Dylan, ayon sa inupahan niyang tao para hanapin si Dylan o si Alexene. Wala siyang balak umalis doon hangga't hindi dumadating si Dylan. Ngunit inabot lang siya ng dilim at walang Dylan na dumating. Ayaw niyang palampasin ang pagkakataon kaya naman nanatili siya sa kaniyang puwesto. Dumating ang hating-gabi ngunit naroon pa rin siya hanggang sa igupo na siya ng antok. Pagdilat ng mga mata ni Blake ay maliwanag na muli ang paligid. Nang lingunin niya ang apartment na bi

