Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong umaapoy ang kagustuhan ni Blake na makita si Alexene. Isa pa rito ang kadahilanang naiisip niyang nanganak na ang asawa. Hanggang sa isang araw ay itawag na kay Blake ang pagdating ni Dylan sa apartment. Dali-daling umalis si Blake kahit nasa kalagitnaan ito ng meeting. Halos paliparin niya ang kaniyang sasakyan makarating lamang sa apartment ni Dylan. Hindi na rin nagpalipas pa ng oras si Blake nang makarating na sa lugar kung nasaan si Dylan. Nang makita o matanaw niya kaagad si Dylan sa apartment nito ay walang pag-aatubili siyang lumapit doon. Hindi na rin siya nag-aksaya ng oras upang kumatok dahil bukas naman ang pinto ni Dylan. Kaagad siyang pumasok sa loob. Natigilan at hindi naman makapagsalita si Dylan nang makita si Blake sa loob ng

