Nang tuluyan ng makaalis si Blake ay pumasok sa CR si Dylan. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin pagkatapos ay muling pinahid ang dugo sa gilid ng kaniyang bibig. 'Why are you doing this?' muling umalingawngaw sa kaniyang pandinig ang mga katagang iyon na sinabi ni Blake sa kaniya. Tila rin nakikinita niya pang muli ang lungkot sa mga mata ni Blake. Walang anu-ano'y bigla na lamang niyang sinuntok ang salamin sa kaniyang harapan. Halos madurog ang salamin sa lakas ng pagkakasuntok niya at dumugo rin ang kaniyang kamao. Nang makitang hindi na okay ang repleksiyon niya sa salamin ay saka pa tumulo ang kaniyang luha... Iyon ang dahilan kung bakit niya binasag ang salamin... Dahil ayaw niyang makita ang sariling mga mata sa sandaling pagtulo ng kaniyang mga luha... Samantala, hindi naman

