Gulat na napagbuksan ni Dylan si Alexene nang umagang iyon. "Alex?" kaagad na napalinga sa paligid si Dylan at mabilis ng hinatak papasok si Alexene, "anong ginagawa mo rito?" tila nais niyang pagalitan si Alexene sa biglang pagsulpot sa kaniyang apartment. "Dylan, nag-aalala kami ni mama sa 'yo. Tatlong araw kang hindi nagpakita at hindi mo man lang kami tinawagan para sabihin kung ano ng nangyari sa 'yo," mabilis namang sagot ni Alexene. "Hindi ka dapat nagpunta rito," mariing sabi ni Dylan. Napakunot-noo naman si Alexene, "Ano bang nangyayari?" taka pa nitong tanong. Napapikit na lang naman nang mariin si Dylan. Hindi niya kasi alam kung anong sasabihin kay Alexene. "Dylan, napano ang kamay mo?" tanong ni Alexene nang makitang may kulay puting balot ang kamao ni Dylan. Lalo naman

