Kanina pa tulala si Alexene habang nakapatong ang kaniyang kamay sa crib kung saan naman payapang natutulog ang anak. Nakaupo siya sa kama habang nakabantay sa anak. At dahil nga tulala siya, hindi niya alam na kanina pa nakatingin sa kaniya ang ina. "Alexene?" sinubukang tawaging ni Lea ang pangalan ng anak kung lilingon ba ito. Ngunit tulad na rin ng inaasahan niya, hindi tumitinag si Alexene patunay na tulala talaga ito. Nagpasya si Lea na lapitan na lamang ang anak. Kahit ng maupo siya sa kama ay hindi man lang iyon naramdaman ni Alexene. "Anak, si Blake ba?" ipinatong ni Lea ang kamay sa isang kamay ni Alexene na nakahawak sa crib ni Blaire. Tila bumalik naman sa huwisyo si Alexene nang maramdaman ang palad ng kaniyang ina. Dahan-dahan niyang nilingon si Lea. Hindi niya na napigil

