Kaagad na sinalubong ni Alexene ng yakap si Dylan. Nasa labas siya ng ICU kung saan naroon naman si Blake. Tinawagan niya si Dylan bago kanina bago pa nadala sa ospital si Blake. "What happened?" kaagad na tanong ni Dylan matapos kumalas ng yakap kay Alexene. "H-He was there... P-pinuntahan niya ako... And he saved me... I-I didn't see it coming," hagulgol ni Alexene. "Kumusta na siya? Sina papa papunta na rin dito. Hinabol na lang nila ang huling flight papunta rito," ani Dylan. "N-Nasa ICU siya..." halos paos na ang boses ni Alexene. "A-Anong sabi ng mga doktor?" Napaiyak na lang si Alexene kaya naman muli itong niyakap ni Dylan. Ayon sa doktor ay matindi ang pagkakatama ng ulo ni Blake sa kalsada kaya naman inilagay ito sa ICU. Ang ibang mga sinabi ng doktor ay halos hindi na nai

