AKEESHA POV “Gusto mo daw akong makausap Ms. Akeesha?” “Opo Mr. Davis.” Kinabukasan ay agad akong nagpunta kay Mr. Davis para sabihin ang nangyari kagabi. Hindi na sumama si Riya dahil hindi daw gusto ni Mr. Davis na sama sama kaming kausapin sya. “Tungkol saan?” Inilapag ko sa table ang papel na binigay sa akin ng lalaking nakacloak kagabi. Nagulat naman si Mr. Davis nang makita nya ito. “Saan mo ito nakuha?” “May naka-engkwentro ako kagabi. Tatlong lalaki na nakacloak. Sinabi nya na ako daw ang maghahatid ng mensahe sa inyo.” “Nakilala mo ba sila Akeesha?” “Hindi po. Natatakluban ang kanilang mukha.” “Sinaktan ka ba nila?” “Hindi po dahil dumating sina Riya. Sinubukang habulin nina Jethro yung tatlong nakacloak pero hindi nila nahabol.” “After 17 years, ngayon na lang ulit

