AKEESHA POV Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung magkalapit kami ni Alvin. Lagi na syang sumasama sa amin nina Riya kaya napalapit na din sya kina Riya at Jethro. Si Ryan naman ay paminsan minsan sumasama sa amin pero never nyang kinausap si Alvin. Ilang beses nang nagtry makipagkaibigan si Alvin pero itong si Ryan lang ang may ayaw. Minsan din ay isinasama ni Ryan si Athena sa mga lakad namin. Medyo awkward pa para kina Riya pero unti unting nagiging okay na sila, I guess. Tungkol naman sa pakikitungo sa akin ni Athena, maayos naman kapag kaharap sina Riya. Pero kapag kami na lang dalawa, lumalabas ang tunay nyang ugali. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit pa din sya sa akin gayung nasa kanya na ang atensyon ni Ryan. Bihira na talaga kami mag-usap ni Ryan or as in h

