AKEESHA POV “Kumusta ang training mo Akeesha?” Tulad ng napag-usapan ay sinundo nga ako ni Alvin pagkatapos ng afternoon class namin. Pero bago umuwi ay inaya nya muna ako na kumain sa pamilihan ng academy. “Walang bago, nakakapagod pa din.” “Inaaway ka pa din ba ni Athena?” Si Alvin lang ang may alam nang totoong pakikitungo sa akin ni Athena. At sa araw na araw na kasama ko sa afternoon class si Athena, hindi mawawala ang mga panglalait at pagmamaldita nya sa akin. “Wala ding bago dun Alvin. Eh ikaw, kumusta ang training mo?” “Si Ryan ang nakamatch ko.” Natigil ang pagkain ko nang banggitin nya si Ryan. “Nasaktan ka ba?”, tanong ko sa kanya. “Ako pa ba, masasaktan?”, pabirong sabi ni Alvin. “Ang yabang mo din talaga Alvin ano?”, tatawa tawa kong sabi sa kanya. “Pero sery

