AKEESHA POV Madaling araw pa lang ay nagising na ako dahil sa pangangati ng braso ko. Bumangon ako para buksan ang ilaw. “Ang aga pa Akeesha.”, sabi ni Riya na naalimpungatan dahil sa ilaw. “Sorry Riya, may kumagat yata sa braso ko.”, sabi ko sa kanya. Bumangon naman sya at tiningnan ang braso ko. May malaking pantal sa braso ko at sobrang kati nito. “Teka, wag mong kamutin.” “Ang kati kati Riya.”, maiyak iyak kong sabi sa kanya. Pumunta ako sa CR para hugasan yung pantal ko. Baka sakaling mawala ang pangangati. “Wala ka bang ointment Akeesha?” “Ang alam ko may nadala akong ointment na galing sa normal world. Nandyan sa cabinet ko.” Pagkatapos kong hugasan ang pantal ay lumabas na ako ng cr. Naabutan ko si Riya na hawak ang box kong maliit. “Ano ito Akeesha?”, curious na

