AKEESHA POV Dalawang linggo na kaming bugbog sa training kaya binigyan kami ng trainor namin ng isang araw na pahinga kaya wala kaming afternoon class. Hindi ko lang alam kung ang ibang element group ay ganun din. Umalis kasi ako agad sa training ground dahil baka kung ano na namang gawin sa akin Athena. Hindi pa din sya tumitigil sa pangbubully sa akin. Hindi naman nya ako sinasaktan gamit ang element nya. Kadalasan ay pinapahiya nya ako sa mga kaklase namin sa water element group. Hindi nya ako sinasaktan physically pero emotionally, bugbog na bugbog na ako. “So you’re here.”, sabi ni Ryan. Nandito kasi ako ngayon sa may Elemental tree. Dito ako agad dumeretso kanina para makapagsolo at makalanghap ng sariwang hangin. “Kanina ka pa hinahanap ni Riya. Lahat ng element group ay wala

