ELEMENT PROBLEM

1052 Words
AKEESHA POV Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nagsugat ang kamay ko dahil sa paggamit ng element ko. Simula din nun ay puro theories ang itinuturo sakin nung tatlo. Ayaw nila akong turuan kung paano kontrolin ang element ko dahil natatakot sila sa maaaring mangyari sa akin. Hihintayin daw namin ang magiging desisyon ng council tungkol dito. But it’s already two days. Naiinip na ako. Pakiramdam ko ay nasasayang ang araw na ipinapasok ko sa academy. Mag-iisang linggo na ako dito pero wala pa din akong kaalam alam sa element ko. Kaya napagdesisyunan ko na ako na ang magsasadya sa council at tatanungin kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin. NANDITO na ako ngayon sa conference room kung saan ako kakausapin ng council. First time ko silang mamemeet dahil hindi nila ako pinatawag nung dumating ako dito sa Elemental World. Sabi nina Riya ay bihira talaga sila humarap sa mga estudyante. Humaharap lang sila kapag may mga mission silang pinapagawa or kapag mismong estudyante ang gustong makipag-usap sa kanila. “Ms. Akeesha.” Napatayo agad ako nang tawagin ako ng isang lalaking medyo may edad na. Matipuno ang katawan nito at mahahalata sa postura nya kung gaano sya kalakas at kabihasa sa element nya. “I’m Mr. Davis, fire elementalist and the president of the council.” “Nice meeting you po Mr. Davis. I’m Akeesha Neptuna, water elementalist.” “I know. So how can I help you?” Ipinakita ko kay Mr. Davis ang mga kamay ko na kasalukuyang namumula pa. Muka namang hindi sya nagulat nang makita ito. “I want to train myself Mr. Davis. Pero ang mga kamay na to ang humahadlang sa kagustuhan kong matuto. Ano po bang dapat kong gawin?” “We are still looking for possible solution to your problem Ms. Akeesha.” “Yeah, I want solution but I also want reasons. Bakit ganito ang kamay ko?” “Don’t worry Ms. Akeesha. Malalaman din natin ang rason sa problema mo. But for now, willing ka ba magtake ng risk para maituloy na ang training mo?” “What do you mean?” “Sa tuwing gagamitin mo ang element mo, possible na laging magkakaganyan ang mga kamay mo. Are you willing to take that risk Akeesha?” Napatingin ako sa mga kamay ko. Am I really willing to take the pain? MR. DAVIS POV Pagkatapos kong kausapin si Akeesha ay pinatawag ko sina Riya, Jethro at Ryan. “Continue the training with Akeesha.” “But sir—” “Yes I know Riya. Napag-usapan na namin yan ni Akeesha.” “Nakipag-usap sa inyo si Akeesha?”, gulat na tanong ni Jethro. “Yes. And she’s willing to train herself. Kailangan nyo syang maihanda sa First Ranking Test.” “Pero paano po ang mga kamay nya?” “Hindi kami tumitigil ng council sa paghanap ng solution sa problema nya. At hindi din dapat tumigil si Akeesha sa training nya. Don’t worry. Dahil nakikita ko kay Akeesha na malakas sya at makakaya nya ang training.” “Paano kung hindi?”, seryosong tanong ni Ryan. “Don’t you trust her?”, seryosong tanong ko din kay Ryan. “Tell me, anong totoong balak nyo sa kanya?” “Ryan!”, saway ni Riya. “I can’t understand. Nagsusugat ang mga kamay ni Akeesha dahil sa paggamit ng element nya yet gusto nyo pa din ituloy ang training nya?” “It’s her choice Ryan.” Hindi na nagsalita pa si Ryan at basta na lang umalis sa harap ko. “Sorry po Mr. Davis.”, hinging paumanhin sa akin ni Riya. “It’s fine. You can talk to Akeesha kung nag-aalinlangan kayo.” “Okay po sir. Salamat po.” AKEESHA POV Pagkatapos naming mag-usap ni Mr. Davis ay nagderetso agad ako sa training ground. Buti na nga lang at hindi ako late sa afternoon class ko. Pero pagdating ko ay wala dun sina Riya. Nasaan na kaya yung tatlong yun? Umupo na lang muna ako sa gitna ng training field. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang magconcentrate. Gusto kong palabasin ngayon ang element ko. “It’s your decision huh?” Nagulat ako nung biglang magsalita mula sa likod ko si Ryan. “Continue on training inspite of your situation?” Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga sinabi nya sakin. Ito ang kauna unahang beses na kinausap nya ako na kami lang dalawa. At natatameme ako sa boses nya. Hindi ko maintindihan kung naiinis ba sya o nagagalit. “Sa tingin mo ba ay kakayanin mong magtraining? Hindi ka ba natatakot mamatay?” “Ano bang pinagsasabi mo Ryan?” “Every time na palalabasin mo ang element mo, magsusugat ang kamay mo at mauubos ang lakas mo. Kakayanin mo ba Akeesha?” “Oo kakayanin ko.” “Really?”, may pagkasarcastic na sabi ni Ryan. “Alam mo kung ayaw mo akong itrain, wala namang problema sa akin eh. Sabihin mo lang kung ayaw mo.” Medyo napipikon na ako sa mga sinasabi sa akin ni Ryan. Ramdam ko naman nung una pa lang na parang ayaw nya sa akin. Pero yung sasabihin nya na kung hindi ba daw ako natatakot mamatay, it feels like this training will cause my death. “Paano kung ayaw ko nga na maging trainor mo. What will you do?” He said it. Ayaw nya akong turuan. Baka nga ayaw nya din akong maging kaibigan. Hindi dapat ako maapektuhan ng sinabi nya dahil hindi ko din naman sya tinuturing na kaibigan. Pero nakaramdam pa din ako ng kirot sa dibdib ko. At feeling ko anytime ay tutulo ang luha ko. “Ayaw ka nyang turuan dahil nag-aalala sya sa maaaring mangyari sayo Akeesha. Kahit ako din, ayaw kong turuan ka.”, sabi ni Riya na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. “Wala namang mangyayari sa akin Riya. Sugat lang to. Kayang kaya ko to.” “Yes, pero paano kung madrain ang energy mo Akeesha. Yun ang ayaw naming mangyari.” “Kaya nga tuturuan nyo akong makontrol ang element ko diba. Para hindi madrain ang energy ko. Don’t you trust me?” Nagkatinginan silang tatlo. “Sabi nyo sa akin, dito sa mundong ito ako nararapat. Sana tulungan nyo akong maramdaman na karapat dapat nga ako sa mundong ito." Nilapitan ako ni Riya at mahigpit na niyakap. Kahit ako naman ay natatakot din para sa sarili ko. Pero sabi naman ni Mr. Davis ay hahanapan nila ako ng solution sa problema ko. At naniniwala ako na mahahanap nila yun. Sa ngayon, mas priority ko ang matutunan na kontrolin ang element ko. Ayoko na lang munang isipin kung bakit ganito ang mga kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD