AKEESHA POV
10pm na pero mulat na mulat pa din ako. Hindi ako dalawin ng antok dahil siguro sa dami na din ng gumugulo sa isip ko. Napatingin ako kay Riya na malalim na ang pagkakatulog.
Maingat akong bumangon sa kama at pinusod ang mahaba kong buhok. Tahimik akong lumabas ng kwarto. Pinilit kong wag makalikha ng kahit na anong ingay dahil ayokong makaabala sa mga estudyanteng natutulog na.
Pagkalabas ko ng dorm ay sa garden ako dumeretso. Payapa na ang gabi. Hindi naman ganun kadilim dahil maraming bituin sa langit, isama pa ang mga alitaptap sa paligid. Malamig din ang simoy ng hangin. Ibang iba ito sa kinalakihan kong mundo ng mga tao. Walang polusyon, walang ingay, walang magulo.
“Bakit gising ka pa?”
Napapitlag ako nang biglang may magsalita sa likod ko. Pero hindi na ko nag abalang lingunin sya dahil kilala ko na ang boses nya.
“Hindi ako makatulog. Ikaw bakit gising ka pa?”, balik tanong ko sa kanya.
“About sa nangyari kanina.”
“Okay na yun Ryan. I understand.”
Sina Riya at Jethro, I know nag-aalala sila sakin kaya ayaw nila akong turuan. But Ryan, I don’t know. It feels like there’s a wall between us. Hindi talaga sya palaimik na tao at sina Riya ay sanay na dun. Pero ramdam ko pa din yung pagiging kaibigan nya dun sa dalawa. Pero sa akin, ewan ko ba, iba sa pakiramdam. Hindi ko maramdaman na kaibigan nya ako pero hindi ko din naman maramdaman na galit sya sa akin.
“Tara?”
Tumayo si Ryan at inilahad nya ang kamay nya sa akin. Tiningnan ko sya nang nagtataka pero kinibitan nya lang ako ng balikat. Tinanggap ko na lang ang kamay nya at inalalayan nya akong tumayo.
“Sumunod ka sa akin.”
Walang ano ano ay naglakad na sya at ako namang si tameme ay napasunod na lang din sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil ngayon lang ako nakadaan sa hallway na tinatahak namin ngayon.
Pagkatapos naming maglakad ng ilang minuto ay huminto sya. Pinagmasdan ko naman ang paligid. Parang garden din ito katulad ng tinambayan ko kanina. Ngunit may isang malaking puno ang nakapukaw ng atensyon ko. Nagliliwanag ito at marami ding alitaptap ang umaaligid dito. Mayroon itong apat na sanga na iba’t iba ang kulay. Blue, red, green at white. Kung ano ang kulay ng sanga ay ganun din ang kulay nang mga dahon nito. Nakakagaan sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang mahiwagang punong ito.
“Yan ang Elemental Tree. Ang Elemental Tree ang pinakasentro nang Elemental World. Ito ang bumabalanse sa apat na element. Ang blue na sanga ang Water branch, ang red ang Fire branch, ang white ang Air branch at ang green ang Earth branch. Hindi pwedeng maputol o mawala ang isa sa mga sanga na yan dahil kapag nawala ang kahit na isa sa apat na yan, mabubulok ang kaisa isang bunga ng puno na nasa tuktok at masisira ang balanse ng Elemental World.”
Napatingin ako sa sinasabi nyang bunga ng puno. Nasa pinakatuktok ito pero natatanaw sa baba dahil sa nagliliwanag ito. Hindi ko alam na may ganito pala sa mundong ito.
“Minsan na ba itong nasira?”
“17 years ago nang umatake dito ang mga rebeldeng Elementalist upang wasakin ang puno. Pinamunuan ito ni Princess Paira, ang pinakamalakas na fire elementalist noon. Sinubukan nyang wasakin ang puno upang mawalan ng balanse ang Elemental World. Ginawa nya ito upang ang mga fire elementalist ang mamuno sa buong Elemental World. Pero hindi sya nagtagumpay dahil natalo sya ni Princess Lira, ang pinakamalakas na water elementalist noon.”
“Teka, princess?”
“Oo, bago pa man mangyari ang hindi inaasahang digmaan, ang Elemental World ay binubuo ng apat na kaharian, ang Fire, Earth, Water at Air Kingdom. Pero dahil nga sa hindi inaasahang pag-atake ng mga rebelde, nasira ang apat na kaharian. Ang tanging nailigtas lang ay ang academy dahil prinotektahan ito ni Princess Lira dahil nandito ang Elemental Tree.”
“Kung natalo ni Princess Lira ang mga rebelde, nasaan na sya ngayon?”
“Walang nakakaalam kung buhay pa din ang tatlong prinsesa. Pero sabi nina Mr. Davis, pagkatapos ng digmaan ay naglaho na sila dahil masyado nilang nagamit ang mga element nila. Yun din ang dahilan kung bakit pinagbabawal ang sobrang paggamit ng element, dahil ikakamatay ito ng isang elementalist.”
“Ibig bang sabihin nun ay wala nang natitirang may dugong bughaw na elementalist?”
“Oo, tanging mga malalakas na elementalist na lang ang natitira nun katulad nina Mr. Davis na syang namahala sa natira dito sa Elemental world.”
“Kung ganun, imposible na pala talagang magkaroon ng Legendary Elementalist.”
Naalala ko ang isa sa mga tinuro sa amin nung unang araw ko dito sa academy, ang tungkol sa Legendary Elementalist.
“Like you said, wala nang natitirang dugong bughaw na elementalist. And ayon sa mga pag-aaral, tanging sila lang ang may sapat na lakas upang magkaroon ng lahat ng element kaya imposible na nga talaga ang isang Legendary Elementalist.”
“Kung ganun, bakit pinag-aaralan pa natin ang tungkol dun?”
“What do you mean?”
“Kung hindi ka naniniwala sa isang bagay at alam mong imposible talaga, bakit mo pa ito pag aaksayahan ng oras at panahon? Make sense.”
“May punto ka. Pero hindi ko alam kung bakit gusto ng council na malaman ng lahat ng elementalist ang tungkol sa Legendary Elementalist.”
“Do you think meron talagang Legendary Elementalist na naghihintay lang madiskubre ang lahat ng kakayahan nya?”
“I don’t know. Mahirap maniwala sa isang bagay na never pa naman nag-exist.”
“Yeah. Teka maiba pala ako, since madaldal ka ngayong gabi, sasamantalahin ko na. Ayaw mo ba sa akin?”
“What?”
“From the very first time we met, ngayon mo lang ako kinausap ng ganito. So I thought you don’t like me.”
“Kung napapansin mo, wala akong kinakausap na kahit sino maliban kina Riya at Jethro. Because I don’t trust easily. Pili lang ang mga elementalist na pinapakisamahan ko.”
“Eh kinakausap mo na ako ngayon, ibig bang sabihin nun ay kaibigan mo na din ako?”, nakangiti kong sabi sa kanya.
“Napalapit na masyado sayo si Riya and muka ka naman mabait. So pwede na.”
“Wow! Hiyang hiya naman ako sayo hah.”
“But seriously, tinanggap ka namin Akeesha. Sana kapag lumakas ka na, wag kang magbabago. Stay who you are.”
Ramdam ko ang pinaghalong saya at lungkot sa boses ni Ryan. Hindi na ko nakaimik kaya nginitian ko na lang sya. Nacucurious na tuloy ako lalo sa nakaraan nilang lahat.