AKEESHA POV
"Akeesha, gising na. Baka malate ka nyan."
Minulat ko ang mga mata ko. Katatapos lang maligo ni Riya. Kaya kahit antok na antok pa ay pinilit kong bumangon at maligo. Alas tres na ata kasi nung natapos kami mag-usap ni Ryan kaya puyat talaga ako. Minsan lang maging madaldal yun kaya sinamantala ko na talaga. And infairness, marami akong natutunan sa kanya.
“Anong oras ka ba natulog kagabi? Ang laki ng eyebags mo girl. Puyat na puyat?”
Nginitian ko lang si Riya. Mabuti na lang at hindi kami nalate. Medyo maaga pa nga nung dumating kami ng room.
Maya maya pa ay dumating na sina Ryan at Jethro. Binati kami ni Jethro habang si Ryan ay tumingin lang. Siguro kailangan ko lang talaga sanayin ang sarili ko na hindi talaga sya palangiti.
“Puyat ka din Ryan? Teka, siguro magkasama kayong dalawa ni Akeesha ano? Anong ginawa nyo ha?”, pag-uusisa sa amin ni Riya.
“Riya, wag ka nga. Baka marinig ka nung iba. Baka kung anong isipin nila.”, saway ko sa kanya.
“So totoo nga, magkasama kayo kagabi?”, gulat na tanong ni Riya.
“Ang ingay mo.”, plain na sabi ni Ryan.
Umub-ob ito sa kanyang desk kaya sakin bumaling si Riya na nag-aabang pa din ng sagot.
“Good morning class!”
Save by the bell. Tss.
“Good morning sir!”
“Before we proceed to the lesson, gusto ko lang malaman nyo na malapit na ang First Ranking Test. You have 2 weeks para paghandaan ito. Kaya kung ako sa inyo, pagbubutihin ko ang pagsasanay sa afternoon class. Are we clear?”
“Yes sir.”
First Ranking Test. Ngayon ko lang narinig yun. What it might be?
-----
“Riya, ano ba yung First Ranking Test?”
Nandito na kami sa training ground ni Riya at hinihintay na lang yung dalawang lalaki para makaumpisa na kami ng training.
“Yun ang pagraranking ng mga estudyante dito sa academy. It’s a physical test wherein you will use your element to know your ranking.”
Bahagya akong kinabahan sa sinabi ni Riya. Knowing my situation, hindi ko maitotodo ang paggamit ng element ko. For sure, mababang rank lang ang makukuha ko.
“Wag kang mag-alala. I’m sure bago dumating ang First Ranking Test, mahahanap na nina Mr. Davis ang solution sa problema mo.”, nakangiting sabi sa akin ni Riya.
“Riya, sabi ni Sir, dun daw muna tayo sa element group natin.”, bungad ni Jethro pagkadating pa lang nila sa training ground.
“Bakit daw? Paano si Akeesha?”
“Kailangan daw tayo dun eh. Si Ryan daw muna magttrain kay Akeesha.”
Napatingin ako kay Ryan na tahimik lang. So it’s only me and him again.
“Sorry Akeesha ha. Hindi kasi kami pwedeng tumanggi.”, hinging paumanhin ni Riya.
“Ano ka ba. Okay lang. Naiintindihan ko.”, nakangiti kong sagot sa kanya.
Ngumiti sa akin si Riya at sabay na silang umalis ni Jethro. Agad naman akong binato ng fire ball ni Ryan na agad ko namang naiwasan. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit nginisian nya lang ako.
“AGAIN.”
Bumuntong hininga ako at muling nagpalabas ng water element sa palad ko. Ibinato ko ito sa mga latang ilang metro ang layo sa amin ngunit hindi pa din nito natamaan ang mga lata. Palimang subok ko na ito at hanggang ngayon ay hindi ko pa natatamaan ang target. Pakiramdam ko ay any minute, magsusugat na ulit ang mga kamay ko. Sa bawat pagpapalabas ko kasi ng element ko, nadadagdagan ang sakit ng palad ko.
“We can continue this tomorrow Akeesha.”
“No. Hindi ako titigil hanggang hindi ko napapatamaan ang target.”
Ayokong umuwing talunan. Kung tutuusin ay napakasimple pang training ito pero di ko magawa. Naiinis na ako pero ayokong tumigil, ayokong sumuko.
"Your element should connected to your heart and mind. Hindi mo lang sya dapat binabato na parang wala lang. Ang pagkontrol nang element ay nagsisimula sa puso at isip. Iisa lang kayo ng element mo. Hindi mo sya dapat utusan na parang ikaw ang amo nya. Hindi ka boss o leader ng element mo. Partner ka ng element mo. You should remember it. Kadugsong na ito ng buhay mo.”
Tumango ako at muling nagconcentrate. Lalo sumasakit ang mga kamay ko pero hindi ko yun ininda. Nung maramdaman ko ang element sa kamay ko ay agad akong nagfocus sa target at ibinato dun ang element ko.
Napatalon ako sa tuwa nang tumama yung element ko sa mga lata. At sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako kay Ryan.
“Nagawa ko Ryan. I made it.”, tuwang tuwa kong sabi sa kanya.
Pero agad kong narealize ang ginawa ko kaya agad akong lumayo kay Ryan.
“That’s the simplest way to control your element. Kaya mo pa ba?”
Tumango ako sa kanya. Hindi ko na ininda pa ang mga kamay ko dahil pursigido akong magtraining lalo na at malapit na ang First Ranking Test.
“Okay. Ang element natin ay may kanya kanya ding level ng lakas.”
Inilahad nya ang kanang kamay nya at may lumabas na apoy dun.
“Sa fire element, kulay dilaw ang syang pinakamahina. Ang pula naman ang karaniwan kong ginagamit at ang asul ang syang pinakamalakas na fire element. Mahalaga din na matutunan mo ito at makontrol upang hindi ka makapatay ng elementalist. Kailangan mong iangkop ang paggamit ng lebel ng element mo sa kung saan mo ito gagamitin. Sa element mo, may kanya kanya ding lebel yan. Ang kulay white ang syang pinakamahina, ang blue na katamtaman at ang dark blue na syang pinakamalakas.”
“Oh great! May mga lebel pa pala yun. At ang lebel ng element ko ay pinakamahina.”
Lahat kasi ng element na nailabas ko ay kulay puti, ang pinakamahinang level ng element ko. Pinakamahina pa pala yung nagagamit ko pero ganun na agad ang epekto nun sa mga kamay ko.
“Akeesha, ano bang ginagawa mo?”
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Ryan. Nakatingin sya sa kamay ko kaya napatingin din ako dun. At nagulat ako dahil may dark blue element ang kamay ko, ang pinakamalakas na water element. Agad kong itinikom ang palad ko at nawala naman ang element ko. Pero lalong nadagdagan ang sakit ng kamay ko. Sa katunayan ay nagdudugo na ito.
“Sinasabi ko lang yung mga kulay nang element mo pero hindi ko sinabing palabasin mo ito.”, galit na sabi nya sa akin.
“I’m sorry.”, hinging paumanhin ko sa kanya.
Tinalikuran nya ako at kinuha nya ang bag nya. Akala ko ay aalis na sya pero kinuha nya lang pala yung oil na pinanggamot sa akin ng nurse noon.
“Binigay sa akin to ng nurse dahil alam nyang mauulit pa yung nangyari sayo noon.”
Mahinahon na ang boses nya habang nilalagyan nya ng oil ang mga sugat ko. Napatitig naman ako sa kanya habang busy sya sa panggagamot ng mga sugat ko. Hindi ko akalain na mabait pala talaga sya.
“Bukas na lang natin ulit ituloy ang training mo. Ipahinga mo na lang muna ang mga kamay mo.”
Tumalikod na sya sa akin at palabas na sya ng training ground.
“Ryan.”, tawag ko sa kanya.
Tumigil naman sya sa paglalakad pero hindi nya ako nilingon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit.
“Salamat.”
Hindi sya lumingon pero nakita ko na tumango sya. Pagkatapos nun ay umalis na sya ng training ground.
Napangiti na lang ako at umalis na din sa training ground.