"Is your decision final? You know we need you here." Pinanuod ko ang usok mula sa sigarilyo na nagsayaw sa ibabaw ng ulo ng kausap ko. Siya ang nakatalagang leader ng faction na kinabibilangan ko dito sa Russian Mafia. Ang mga Vladimiers ang talagang mga leader ng grupo ngunit nagtalaga sila ng mga tatayong mamumuno sa iba't ibang grupo na kanilang nasasakupan dahil ayon sa kanila, priority nila ang kanilang pamilya. "Yes. My decision is final." Sagot ko sa tanong. Sa mahigit na isang taon ng pananatili ko rito, kahit na anumang hirap ang napagdaanan ko upang mapasok ang mundo ng mga Mafia, iisa pa rin ang priority ko. At iyon ay si Isly. "I already know your decision. But I was really hoping you will change your mind." Itinaas niya ang baso na naglalaman ng brandy at iniumang sa akin.

