Nawala ang pagkakangiti ko nang tuluyan akong makalabas sa silid na inihanda ko para kay Luis. Tinitigan ko pa ang pintuan ng ilang minuto bago ako nagdesisyong bumalik muli sa aking silid. Habang naglalakad papunta roon ay tumatalim ang mga mata ko dahil sa naging pakiusap niya sa akin kanina. Ito ay ang itigil na ang ginagawa kong p*******t at pananamantala kay Maia Nishiguchi. Muli akong bumalik sa aking sariling silid at naupo sa bar pagkatapos kong maglabas ng ilang lata ng beer. Alam ko na alam na ni Luis na sobra ang ginagawa ko sa bagong nobyo ng kanyang minamahal na si Kaide. I have my own reasons. I have my own hatred towards Isly Kaide and Maia Nishiguchi that my debt of gratitude was sometimes forgotten. I am the old Nischiguchi's bastard. Alam ni Luis na ampon ako ng mga Se

