Chapter 1
"Sandy?"
Napaangat ng mukha si Sandy nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang kanang kamay na si Marah.
"Yes, Marah?"
"Pasok po kayo, Ma'am," baling nito sa isang babaeng nasa tabi nito.
Napatingin ang 27 years old na dalagang si Sandy sa babae. Tantiya ay nasa 20's na rin ang edad ng mestisang babaeng kasama ni Marah. Maganda, makinis ang maputi nitong balat habang nakalugay ang tuwid at lampas balikat nitong buhok.
May katangusan ang ilong nito at may kanipisan ang mga labi nito.
Napangiti ito kaya nagsilitawan ang pantay at mapuputi nitong ngipin na sa isang kislap lang ng mga mata ay masasabi talaga na alagang-alaga ang mga iyon.
"Hi, I'm Monique Buencamino," nakangiti nitong sabi sabay lahad ng kamay nito sa kanyang harapan.
Agad naman siyang napatayo sabay abot sa nakalahad nitong kamay sa kanyang harapan.
"I'm Sandy Sarmiento. Wha can I do for you, Ms. Buencamino?" magiliw niyang tanong dito.
"You're too formal," nakangiti nitong saad, "...just call me Monique and I'll appreciate it," dagdag pa nito.
"If that's okay to you," nakangiti naman niyang sagot, "It's my pleasure to call you as Monique then," aniya.
"Have a seat first, Monique," aya niya sabay turo sa upuan na kaharap lang ng kanyang mesa.
"Thank you," sabi nito saka ito agad na umupo.
"So, what's brought you here?"
"Well, I heard that you're business is doing well and I saw some positive feedbacks about how you organized the wedding," saad nito.
Napa-O na lamang ang bibig ni Sandy sa mga sinabi ng kanyang kausap.
"So, you are here to ask us to organise your wedding, right?" hula niya rito.
Napangiti nang kaytamis si Monique at sa ngiti pa lamang nito ay nasabi rin niya na tama ang kanyang hula.
"Yes! I want you to be our wedding planner."
Hindi mawala-wala sa mga labi ni Monique ang matamis na ngiti sa mga labi nito habang kausap siya nito. Ramdam talaga niya ang saya nito. Ganito naman talaga lagi ang kanyang nakikita sa bawat naging kliyente nila at masaya naman siya para tulungan ang mga ito na magiging unforgettable ang kasal ng mga ito dahil ang kasal ay isang beses lamang mangyayari sa buhay ng bawat isa kaya dapat ay sulit na sulit. Kahit na hindi ganu'n ka-bongga atleast maganda ang pagka-organize.
"It's my pleasure to give you a memorable wedding day," aniya.
Napatayo ang kanyang kausap saka ito inilahad muli ang kamay nito sa kanyang harapan.
"See you around these next days, Ms. Sarmiento."
"Sandy na lang din," aniya sabay tanggap sa kamay nito.
Napangiti naman si Monique sa kanyang tinuran at matapos niya itong bigyan ng caller card ay agad din naman itong nagpaalam.
Napaupo siyang muli sa kanyang swevil chair saka siya napangiti.
Si Sandy Sarmiento ay isang dalaga pero may nobyo na. Si Romnick Montalbon!
Matagal na sila ng boyfriend niya. Halos 7 years na rin sila at handa na siyang magpakasal dito pero sa tingin niya, mukhang wala pa yatang balak magpakasal si Romnick kahit na minsan ay pinaparinggan na niya ito pero ang ending, deadma pa rin kaya naisip na lamang niya na maghihintay na lamang siya. Alam niyang darating din sila sa bagay na 'yon.
Very independent na siya. Hindi na siya umaasa kanyang mga magulang dahil may sarili na siyang negosyo. 'Yon ay ang pagiging wedding planner niya.
Maayos naman ang takbo ng kanyang negosyo at marami naman ang lumalapit sa kanya para magpa-organize ng kasal ng mga ito.
Kung siya lang ang masusunod, pwedeng-pwede na talaga siyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya pero hinihintay pa niya ang kanyang ninyong si Romnick na isang seaman.
Alam niyang hindi madali ang trabaho nito kaya iniintindi na lamang niya kung bakit mukhang wala pa itong balak na magpakasal.
"Honey?" tawag ni Monique sa kanyang fiance na si Michael Villafuerte.
"Hey," nakangiting magpagaling sa kanya si Michael at agad naman itong lumapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.
"Hmmm, how's your day, honey?" tanong nito sa kanya habang yakap-yakap pa rin siya nito nang mahigpit at hinalik-halikan pa ang kanyang buhok.
"It's okay. Everything is fine," sagot naman niya saka siya napakalas mula sa pagkakayakap sa kanya ng kanyang fiance. "Guess, what I brought?"
Napakunot ang noo ni Michael sa kanyang sinabi habang ang isa niyang kamay ay nasa loob ng bag na nakasabit sa kanyang braso.
"What is it?"
"Jarannnnn!" nakangiti niyang sabi sabay dukot niya sa loob ng kanyang bag ang dala niyang caller card galing sa isang wedding planner na pinuntahan niya.
"A calling card?" takang-tanong ni Michael saka nito kinuha mula sa kanyang kamay. "Wedding Organizer company?" kunot-noong basa nito sa nakasulat sa calling card na hawak na nito.
"Hmmm," sagot niya kasabay ng pagtango, "I found the best wedding planner in the country," dagdag pa niya.
"I want to make our wedding perfect and memorable," parang nangangarap ng gising na saad ni Monique.
Well, wala namang masama kung gagawin nila iyon at hindi naman imposible 'yon para sa kanila na may pera at may kaya sa buhay.
"Kung saan ka masaya, andu'n din ako," saad ni Michael saka muli niyang niyakap ang kanyang fiancee ng mahigpit.
"Thank you so much, honey," pabulong na saad ni Monique at naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang beywang na siya namang nagbigay sa kanya ng kiliti at tuwa sa kanyang puso.
Michael Villafuerte is a 30 years old low-profile businessman. Gwapo, mayaman. May makisig at matipunong katawan na kinikiligan ng mga kababaihan pero kahit gaano pa kadaming babae ang maghahabol sa kanya, sa iisang babae lang talaga siya iibig. 'Yon ay kay Monique lamang!
Matagal na niyang naging nobya ang dalaga. High school pa ito ay naging sila na.
Nang nakapagtapos na ito sa pag-aaral sa nursing ay sinubukan niyang mag-propose rito pero hindi ito pumayag sa gusto niyang mangyari dahil nais pa maipasa ang examination para magiging ganap na itong lisensiydong nurse at nirespito naman niya iyon.
May sarili kasi itong pangarap sa buhay na hindi naman niya pwedeng ipagbawal dahil pangarap niya ito at ayaw niyang balang-araw, sisisihin siya nito kung bakit hindi nito nakamit ang pangarap na inaasam nito sa buhay.
Nang nakapasa na ito sa board examination ay nag-propose uli siya pero muli na naman siya nitong tinanggihan dahil may balak itong mag-proceed sa pagiging doktor nito na sinupurtahan naman niya ng buong puso.
Halos nawalan na ito ng oras at panahon sa kanya noon dahil abala ito sa gagawin nitong pagdo-doktor pero naging matatag siya dahil alam niyang kaligayahan nito ang nakasalalay sa mga ginagawa nito.
Nang naging ganap na itong lisensiyadong doktor ay muli na naman siyang nag-propose pero muli na naman siyang nabigo sa pangatlong pagkakataon dahil gusto muna itong makapasok sa trabaho bilang isang ganap na doktor at maibalik sa mga magulang nito ang mga nagawang sakripisyo ng mga ito.
May kaya naman ang pamilyang pinagmulan ni Monique pero hindi ito kagaya ng pamilyang mayroon siya kaya alam niya ang paghihirap na dinanas ng kanyang nobya kaya kahit na ilang beses na siyang nabigo sa mga ginawa niyang pag-propose noon ay hindi pa rin niya naisipang hiwalayan ito o iwan na lamang ito bagkos ay mas tinatagan pa niya ang kanyang sarili at sinuportahan ng todo ang kanyang nobya.
At nang nakapasok na ito sa trabaho at sa araw mismo ng kanyang kaarawan ay ito na mismo ang nag-propose sa kanya ng kasal na hindi talaga niya inasahan.
Sobrang saya ang kanyang naramdaman ng araw ding 'yon. Hindi niya inakala na magkakatotoo pa pala ang bagay na matagal na niyang pinapangarap na gawin sa piling ng babaeng napili niyang makasama habang-buhay.
"Kailan ba ang baba ng boyfriend mo?" tanong ni Marah kay Sandy habang naglalakad sila pauwi.
"May anim na buwan pa akong hihintayin," sagot naman niya.
"Hindi ka ba nababagot?"
"Nababagot saan?" takang-tanong niya.
"Nababagot sa tagal ng pag-uwi niya."
"Bago ko pa siya sinagot, tinimbang ko muna kung makakaya ko bang hindi siya nakikita sa loob ng ilang buwan dahil noong una pa lamang, alam ko na kung anong klaseng trabaho ang mayroon siya at dahil sinagot ko siya, ibig sabihin kaya kong maghintay sa kanya kahit gaano pa siya katagal umuwi at hindi ako mababagot," mahabang paliwanag niya sa kanyang kaibigan.
Nagkibit-balikat na lamang si Marah, "Diyan talaga ako bilib," saad naman nito. "Oh, siya dito na lang ako," paalam nito sa kanya.
Hindi naman masyadong malayo ang apartment na inuupuhan niya sa kanyang maliit na naitayong kompanya kaya nilalakad lamang niya ito habang si Marah naman ay kailangan pa nitong sumakay ng jeep pauwi sa bahay nito.
"Ingat ka," bilin niya rito.
"Hmmm, ikaw din."
Pinagmasdan muna niya ito hanggang sa tuluyan na itong nakapasok sa jeepney at bago pa man ito nawala sa kanyang paningin ay kumaway muna ito.
Habang naglalakad siya ay naaalala niya ang kanyang boyfriend. Si Romnick!
Hatid-sundo kasi siya nito sa kanyang trabaho sa oras na nakababa na ito sa barko pero dahil hindi pa ito nakababa ay heto, naglalakad na lamang siya at paulit-ulit na inaalala ang matatamis niyang nakaraan habang kasama pa niya ito.
Pwede naman siyang sumakay ng pedicab kung gugustuhin niya pero dahil madalang lang siya maglakad-lakad dahil sa dami ng kanyang trabaho ay mas minabuti na lamang niya ang maglakad na lamang papunta ng trabaho at pauwi sa apartment para kahit papaano ay makapag-exercise naman siya.
Pagdating niya sa condo unit niya ay papasok na sana siya nang may narinig siyang mga boses na nag-uusap papalapit sa kanyang kinaroroonan at nang lingunin niya ay ganu'n na lamang ang kanyang pagkabigla nang makilala niya kung sino ang mga iyon.
"Sandy?" gulat na sambit ng babae sa kanyang pangalan ng makilala siya nito.
"Monique," aniya sabay ngiti sa kanyang kaharap.