"Baka, kailangan lang ninyo ng konting panahon para sa isa't-isa," saad ni Rico sa kanya habang nagchi-chill sila sa paboritong bar ma madalas nilang pinupuntahan kapag gusto nilang mag-chill. Alam na rin kasi nito ang tungkol sa problema niya sa kanyang ina sa pagnanais nitong magkaanak kaagad sila as soon as possible. "Bakit hindi muna kayo magbakasyon?" suhestiyon nito sa kanya, "Baka kasi nagkakaganyan kayo dahil pareho kayong abala sa trabaho niyo," dagdag pa nito. Madalas kasi ganu'n ang isa sa mga lapses ng mga mag-asawa na hindi kaagad nabibiyayaan ng anak kahit na anong gawin nila. "Maganda kayang ideya 'yon?" tanong naman niya rito. "Walang mawawala kung susubukan niyo." Nilagok muna niya ang alak na nasa loob ng hawak niyang wine glass saka siya nahulog sa malalim na pag-

