"Sorry," muling saad ni Michael. Dahan-dahan na tinanggal ni Sandy ang kamay ng kanyang asawa na nakayapos pa rin sa kanya saka siya humarap dito saka niya ito tinitigan sa mga mata nito. "Alam kong nagkamali ako sana, mapatawad mo pa ako," madamdamin nitong saad. Napatitig siya sa kanyang asawa. Ang kanyang asawa na minahal niya sa loob ng kahit maikling panahon ng pagkakakilala. Kailan ba niya ito matitiis? Mas kakayanin pa niyang tiisin ang hirap ng trabaho niya pero ang tiisin ang lalaking nagturo sa kanya kung papaano ang magmahal ulit, kung papaano kalimutan at iwan ang mga masasakit na nakaraan ay hindi niya magagaw. Marupok na kung marupok! Kasalanan ba niya kung ganito ang puso niya? Gusto lang naman niyang i-save ang anumang mayroon sila ngayon. Alam din kasi niya sa ka

