"Dude, stop drinking. You already drink too much," awat ni Rico kay Michael nang naabutan niya ito sa bar na langung'-lango na dahil sa kalasingan. "Alam kong nagkasala ako, dude pero kailangan pa ba niyang i-deny ako bilang asawa niya?" umiiyak na tanong ni Michael saka nito nilagok ang alak na laman ng hawak nitong wine glass. "Just give her a space, dude. Masyado lang talaga siguro siyang nasaktan sa mga nangyayari sa inyo." Masakit din para kay Michael ang lahat pero wala naman siyang ibang masisisi maliban sa kanyang sarili dahil kung hindi lang sana siya nagpakabulag sa mga nakikita niya, malamang ay hindi sila hahantong ni Sandy sa ganitong sitwasyon. Bakit ba kasi napaka-immature niya pagdating sa ganu'ng bagay? "I want to see her. I want to say sorry but she don't want to giv

