"Oo nga pala, nak. May balak na ba kayong bigyan kami ng apo?" tanong ni Marga kay Sandy. "Ma," aniya sa boses na para bang sinasabi niyang tumigil na ito sq katatanong sa ganu'ng bagay. "Bakit? Huwag niyong sabihing wala pa kayong balak?" singit naman ni Juvy sa kanilang mag-ina. "Hayaan niyo na ang mga bata na mag-decide. Huwag niyo munang madaliin," awat ni Adulfo. Gusto na ng apo ni Adulfo pero hindi ibig sabihin nu'n eh, kailangan na rin nilang mamadaliin ang mga bata para gawin ang gusto nilang mangyari. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay sigurado na silang okay na ang dalawa. "Kailan ba kasi sila dapat magkakaanak?" tanong ni Juvy habang nakatingin siya sa kanyang asawa. "Tingnan mo nga 'yang anak mo, tumatanda na. 30 years old na 'yang si Michael tapos ito naman si Sandy-----"2

