Tuluyan nang napaiyak si Sandy sa tanong ni Michael at hindi niya napigilan ang sariling mapahikbi. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Michael sa kanya, sa pinakamahalagang araw ng pagiging mag-asawa nila. Wala sa isipan niya na mangyayari sa kanya ang ganitong eksena matapos siyang ikasal pero heto, nasa harapan na niya. Nakaluhod na sa kanyang harapan ang lalaking naglalahad sa kanya ng kasal. Ginawang makatotohanan ni Michael ang pangarap noon ni Sandy! "Yes! Yes!" umiiyak niyang sagot habang patuloy naman sa pag-agos ang mga luha niya. Kaylaki-laki ng ngiting nasa mga labi ni Michael nang marinig niya ang sagot ng kanyang asawa. Agad siyang tumayo at isinuot niya sa daliri nito ang singsing na hawak niya. "Alam kong hindi maganda ang simula ng love story natin pero gusto k

