CHAPTER 21

1672 Words

Agad itong nilapitan ang babaeng buntis na tinulungan pang iupo nang maayos ni Sandy dahil sa nahihilo ito bigla. Ni hindi man lang siya nito napansin, ni hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya. Kahit si Marah na nasa tabi lang niya ay sobra ring nabigla sa nakita at halos hindi ito makapaniwala. "Are you okay?" tanong nito sa babae. "Oo, okay lang ako. Medyo nahilo lang nang konti," sagot naman nito saka ito inalalayan ni Romnick na itayo habang si Sandy naman ay nanatiling nakatigagal at hindi alam kung ano nga ba ang kanyang gagawin sa ganu'ng eksena. "Salamat sa pagtulong mo sa akin," nakangiting baling sa kanya ng babae at du'n na nagkaroon ng pagkakataon si Romnick para limgunin sila. Kung nabigla sila nang makita nila si Romnick ay mas nabigla pa yata ito nang makita siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD