Tahimik na magkaharap na nakaupo sa isang bilog na mesa sina Sandy at Monica nang dumating si Marga para dalhan ng mainom ang kanilang bisita at pagkatapos ay mabilis din naman itong umalis para bigyan silang dalawa ng privacy para mag-usap tungkol sa kung ano man ang pinunta ng ginang sa kanila ngayon. "Papaano niyo nalaman ang address namin dito sa probinsiya?" Siya na ang kusang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanila dahil pakiramdam niya, mukhang walang balak na magsalita ang ginang dahil nga siguro kabado ito sa gagawin. "Pinilit ko si Marah na sabihin sa akin ang address niyo rito." Nagtataka naman siya kung bakit ginawa iyon ng ginang. "May kailangan po ba kayo sa akin?" tanong niya uli dahil ang lakas talaga ng kanyang kutob na may malalim na dahilan kung bakit ito n

