Halos natutulala siya sa kanyang mga narinig. Halos lahat nang nu'n ay ayaw tanggapin ng kanyang puso't-isipan. At sa makailang pagkakataon, muling bumalong ang kanyang masasaganang luha at walang tigil na dumadaloy mula sa magkabila niyang mga mata. At nang mag-sink-in sa utak niya ang mga katagang binitiwan ng kanyang asawa ay mabilis na hinabol niya ito pero wala na siyang nagawa pa nang paglabas niya sa kanyang kwarto ay siya namang pagsara ng pintuan ng kanyang unit. Gusto niya itong buksan para pigilan si Michael sa gusto nitong mangyari pero wala na siyang lakas ng loob kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang mapasandal na lamang sa kanyang pintuan habang walang tigil ang kanyang mga luha sa pagdaloy. Habang si Michael naman ay nasasaktan at umiiyak na nakasandal sa labas ng pin

