CHAPTER 19.1

706 Words
"What the hell, Brielle?! You asked him to what?!" tila hindi makapaniwala si Hudson sa narinig mula sa akin. "I asked him to marry me and he said yes," saad ko at saka muling sumubo ng carbonara na niluto ni Hudson dito sa apartment ko. "Brielle, do you have to go that far? Marriage is something that you don't want to play with," paalala nito sa akin. Hindi ako agad nakasagot sa sinabi nito. When I was a kid, I always dreamt of that perfect wedding na gagawin ko lang kasama ng taong mahal ko but due to what happened to my life, tila nawala ang dating Brielle na may pagpapahalaga sa ganitong pangyayari o okasyon. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang magiging benefit ng lahat ng 'to sa akin at sa plano ko. Hindi lang ako kay Hunter mapapalapit once na maikasal kami. Mapapalapit din ako sa tatay nito na kinamumuhian ko and being near to him, mas madali kong magagawa ang lahat ng plano ko para singilin ito. "Think outside of the revenge you've been seeking for a long time and think straight, Brielle. Do you really have to marry Hunter? Marry the son of the President who killed your family? You are giving him a huge part of you, Brielle because once you got married, that will be forever in your records. Even if you'll get a divorce right after you executed your plan, there will always be a part of you that will belong to Hunter." "It's not as if I have a lot of choice, Hudson," I said. Tinignan ko ito nang diretso sa mga mata niya. "I want their suffering to be slow but painful. I want them to feel the pain that I felt, every inch of it." "So you're giving up your—" "Yes," walang pagdadalawang isip na sagot ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka hinugasan ang platong ginamit ko sa pagkain. "I am giving up everything about me just so I could get the justice that my parents' deserve, the justice that has been taken away from them! If marrying him means that I have to lose a very important part of myself, then I'll make sure that my sacrifices will be worth it." Walang nagawa si Hudson kundi ang bumuntong-hininga and I know what that means, sumusuko na ito sa pagpapaintindi sa akin ng kahalagahan ng isang kasal. Naiintindihan ko naman ang punto nito, it's just that, this is the most convenient way to get myself closer to my enemies. Maliban sa wala akong oras para patagalin ang lahat, limitado rin ang choices na mayroon ako. Isa pa, nasimulan ko na, ngayon pa ba ako aatras at hihinto? Kapag ginawa ko 'yon, Hunter will look for me. He will surely know the truth about me kapag nagsimula na itong maghanap at sa oras na tulungan siya ng tatay niya, it's game over. May access ang Presidente sa El Carter, wala lang itong kontrol dito. Ayokong dahil sa gulong sinimulan ko ay madamay ang buong organisasyon. "It saddens me how I think I don't know you anymore," aniya. "If you need my help, call or message me. Best wishes for your wedding, Brielle," dagdag pa ni Hudson at saka tumayo na mula sa pagkakaupo. He tapped my shoulder one last time bago ito tuluyang umalis ng apartment ko. Naghari ang katahimikan sa apartment ko nang makaalis na nang tuluyan ang sasakyan ni Hudson. Alam kong may parte kay Hudson na nadidisappoint sa akin. He knew me to the extent na may pagpapahalaga sa mga bagay-bagay at sa sarili ko sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko and seeing me like this, hearing those words from me, hindi ko kayang iimagine kung ano ang nararamdaman nito sa mga nasabi ko. Sa kabila ng lahat, hinihiling ko pa rin na sana maintindihan niya ako bilang kaibigan dahil hindi rin matatahimik ang kalooban ko hangga't hindi ko napagbabayad ang pamilya ni Hunter sa naging kasalanan nito sa akin at sa pamilya ko. I have to make them pay the price of their sins at pagkatapos no'n ay saka lang ako makakabalik sa tahimik na buhay ko because Hunter's father destroyed me to this extent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD