CHAPTER 19.2

799 Words
Hindi ko nakita si Hudson noong mga sumunod na araw. Hindi ko rin siya masyadong mamessage dahil mas madalas na kaming magkasama ni Hunter. The dating issue about us were also out in the public. May pailan-ilan na akong nababasa na nagtatanong kung sino raw ba talaga ako at may iilan ding gumagawa ng issue tungkol sa akin. Hindi ko na lang din sila pinapansin dahil karamihan sa mga 'yon ay nagsasabing ako lang ang panibagong laruan ni Hunter—maybe they are the same people na naghahangad na sila ang nasa pwesto ko ngayon. Pinaalalahanan ko rin si Hunter na huwag na patulan pa ang mga kumakalat tungkol sa akin dahil wala naman kaming mapapala. However, the news about our engagement was still unannounced. Pinag-usapan din naming dalawa ang bagay na 'to. We'll let things to cool down first before dropping the bomb. Even Hunter's father doesn't know about it dahil saka pa lang sasabihin ni Hunter sa tatay niya ang tungkol sa amin sa mangyayaring dinner party mamaya. Hindi ko naman maipaliwanag ang excitement ko—hindi dahil sa gustong-gusto kong makita ang tatay ni Hunter but because finally, I can give him a glimpse of his nightmare. Hindi ko minamaliit ang kapangyarihan ng Presidente ng bansang 'to, but as long as El Carter won't get involve, I am safe. Panigurado namang hindi nila ilalaglag ang pagkakakilanlan ko once na nalaman nina Damira ang pinagkakaabalahan ko because that's one of our rules in the organization—protect your co-agents and the integrity of the organization. "Hi, babe," pagbati sa akin ni Hunter at saka iniyakap ang mga braso nito sa beywang ko. "Take your seat and I'll serve your breakfast in few minutes," I said. He granted me a soft kiss on my lips bago ito sumunod sa sinabi ko. "Dad told me that he's looking forward to finally meet you. He was so happy when I told him that I already have a serious relationship right now," he said. Inilapag ko naman sa mesa ang plato na naglalaman ng omelette na ginawa ko. Isinerve ko rin ang pizza na natira mula sa dinner namin kagabi at saka naupo sa upuan na nasa harap ni Hunter. "I know, given his reputation and line of work, you must be anxious to meet him. But don't worry, my father's a good guy. He won't hurt you," he said, almost sounding as an assurance. Agad naman na napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig but I tried my best to smile. Kung alam lang ng isang 'to kung gaano ako sinaktan ng tatay niya, I doubt he will be able to utter those words right in front of my face. Malinaw naman sa akin na wala itong alam sa kagagawan ng tatay niya but the sin of a father is also the sin of his son. Whether Hunter likes it or not, kasali siya sa larong ginagawa ko. "I am both excited and anxious to meet your father," saad ko. Hindi nakatakas sa akin ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "I've heard a lot of good things about him but I wasn't given the chance to meet the guy behind the growth of Washington. But fate do plays a different game. Who would've thought that I was destined to marry the son of the most powerful man in the country," I added, laughing afterwards. He chuckled a bit at saka nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ito sa pagkain ay agad ko ring inasikaso ang pinagkainan nito. Sa buong oras na naghuhugas ako ay walang ibang ginawa si Hunter kundi ang lumingkis sa beywang ko na akala mo ay mawawala ako sa paningin niya. Damn funny, I didn't know na may pagkaclingy ito sa relasyon na ibinibigay niya. Hindi ko napigilang mapangiti. Slowly, I think I am succeeding in taming him. "I should buy myself a dress for tonight's party, Hunter," sabi ko nang matapos sa ginagawa. "I doubt that you will be able to join me after all the controversies so—" Hindi ko natapos ang dapat ay sasabihin ko nang bigla nitong takpan ang bibig ko gamit ang sariling bibig niya. It was just a smack but it was more than enough to make me shut up. "I'll go with you," aniya. "If someone will want to attempt to lay his or her hands on you, they have to go through me first. I won't let them hurt the woman that I will love for the rest of my life." Pakiramdam ko ay masusuka ako sa mga salitang binibitawan niya kaya niyakap ko na lang ito at agad naman siyang gumanti ng yakap. Love? I am quite surprised that even monsters know that word. Too bad for Hunter, I couldn't love him back. I don't want to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD